ANGELA'S POV
"Ang tagal naman ng dalawa" reklamo ni Lj
Gabi na kasi at nandito kaming tatlo nina Lj, ako, at Jk sa sala. Inaantay pa namin ang dalawa at itong si Lj atat masyado.
"Tss, nagpapa ganda pa siguro" sabi ko habang naka sandal sa sofa, naka cross legs at arms.
"Eh ikaw Jk?! Ganyan ka lang?" baling ni Lj kay Jk na busy sa cellphone, pati ako napa tingin sa kanya.
"Anong masama sa suot ko?" tanong ni Jk na tinignan ang suot.
"Duh?! Para kang baliw sa suot mo, naka t-shirt na malaki at army short na lagpas tuhod? How cheap you are, Jk?!" maarteng sabi ni Lj
Parang ngayon ko lang yata sya narinig magsalita ng maarte? Ang alam kasi namin ayaw nya sa mga babaeng maarte. Pero sya na ngayon ang maarte.
"Gagala lang naman eh, aya hindi ko na kailangang magsuot ng long gown o kung ano" si Jk
"Lets go na, guys" maarteng yaya ni Aless kaya napa tingin kami sa hagdan. Pagkababa nila saka kami tumayong tatlo at sabay-sabay na lumabas.
"Ang ganda na sana ng dating natin eh, pero si Jk ang naiiba" maarteng sabi ni Aj na tinignan pa si Jk habang naglalakad.
"Uso ba ang maging maarte ngayon?" inosenteng tanong ni Jk saka tumingin sakin. "Baka mag inarte karin sabihin mo lang. Uuwi nalang ako, may mas importanteng gagawin pa ako eh!";walang ganang sabi pa nya.
"Wag mo nga akong itulad sa mga yan" sabi ko saka nilibot ang tingin sa lugar.
"Tara dun" turo ni Jk sa isang coffee shop na medyo malapit lang sa bahay. Naglakad kami papuntang coffee shop then pagka pasok namin agad na umupo si Jk malapit sa glass wall kaya sumunod kami sa kanya.
"Kami na ang mag o-order ng sa inyo" presenta ni Aless tyaka hinila si Aj.
K
A
T
A
H
I
M
I
K
A
N"Ano ang ipapagawa mo sa dalawa?" basag ni Lj sa katahimikan.
"Tulad lang din ng sa inyo, pero sa ibang warehouse ang sa kanila" sagot ni Jk na naka tingin kay Lj.
"Bakit ang dami mong alam na info. tungkol sa kanila?" tanong ko
"Easy lang yan, mga connections"-mayabang nyang sabi.
"Anong connections?" tanong ng kung sino kaya gulat na napa tingin kami sa nagsalita.
"Sa WiFi!" wala sa sariling sagot ni Jk.
Sila Vlad nandito, si Mark ang nagtanong at nakakapag takang nandito din sila.
Don't tell me na dito din sila nakatira?
"Narinig nyo lahat?" pilit na hindi pinapahalatang kinakabahan na tanong ni Lj.
"Yung sa connections lang" naka ngiting sagot ni Raymond kaya naka hinga ako ng maluwag.
"Ano nga ba ang sinasabi nyong connections?" ulit na tanong ni Mark
"Eh bakit mo tinatanong?" tanong din ni Jk
"Wala, curious lang hehehe"-sabi ni Mark
"Guys ito na ang or---der---natin" sabi ni Aj kaya napunta sa kanila ang atensyon namin. Mukhang nagulat sila na makita ang mga Kings dito. Well maski kami nagulat din kaya wag nang magtaka.
"Anong ginagawa nila dito?" tanong ni Aless na naka turo sa mga Kings.
"Ahh mag kakape lang din" naka ngiting sagot ni Reymark.
BINABASA MO ANG
MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGIT
Roman pour Adolescents(COMPLETED) √Ms.Makulit Na Misteryoso Meet Mr.Masungit Book 1 Babaeng masekreto pero mapagmahal at handang magsakripisyo para sa mahal nya. Ang inaakalang mahina ay may lakas palang tinatago at kayang manakit o pumatay na hindi nila inaasahan. Baba...