CHAPTER 41

1.9K 71 1
                                    

JK'S POV



Nandito ako sa kwarto ko habang may kinakalikot sa laptop ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at sumilip si Aless.

"Jk?" tawag nya

"Oh?" sabi ko habang busy parin sa laptop.

"Magbihis ka daw, aalis tayo." sabi nya kaya hininto ko ang ginagawa at tumingin sa kanya.

"Sa'n punta?" tanong ko

"Ewan! Sila Angela at Christian ang nagyaya eh." kibit balikat na sagot nya.

"Edi silang dalawa nalang!? Marami akong ginagawa ngayon." sabi ko at humarap sa laptop.

"Pero um-oo na kaming lahat?!" sabi nya

"Pati si Sungit?" tanong ko na nilingon sya.

"Ah-huh!" nakangiting sabi nya.

"Tss, sige magbibihis lang ako." sabi ko

"Okkiiiee!" sabi nya saka sinara ang pinto.

Humarap ulit ako sa laptop ko at pinatay saka tumayo. Kumuha ako ng damit panlabas saka pumasok ng banyo.

Pagkatapos kong magbihis bumaba na kaagad ako dala ang cellphone. Nadatnan ko ang lahat nang mga kaibigan ko pati mga kapatid ko na masayang nagkukwentuhan.

"Oh ayan na pala si Jk eh." sabi ni Zayn kaya napatingin silang lahat sakin.

"Tss, hindi ka talaga maaasahan pagdating sa susuotin." iiling-iling na sabi ni Angela habang tinitignan ang kabuuan ko.

"Oo nga! May boyfriend ka na't lahat ganyan parin ang ayos mo?!" sang-ayon ni Lj.

"It's ok, minahal ko sya na ganyan at hindi nya kailangan magbago." banat ni Sungit kaya napa 'ohhh' ang lahat.

"Tss, ang swerte mo talaga kay Vlad, Jk." naka ngusong sabi ni Claire.

"Kaya lang masungit." nakangiwing sabi ko.

"Tss, bakit ba kita minahal?" sabi ni Sungit kaya napatingin ako sa kanya.

"Eh bakit nga ba?" taas kilay na tanong ko.

"Tss, hindi ka naman maganda. Parang lalaki kung kumilos at manamit, makulit, matakaw, at pilosopo." sabi nya kaya napairap ako sa hangin.

"Hindi pala ako maganda eh bakit nanligaw ka pa? Kung wala pala sakin ang hinahanap mong babae, bakit nanligaw ka pa rin?" tanong ko

"I don't know! Baka ginayuma mo ako?" sabi nya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ang kapal ng mukha mo ah?!" sabi ko saka tumingin kay Dee na nakangiting nakatingin sakin.

"Dee!" masayang sabi ko saka lumapit sa kanya at hinalikan sya sa pisnge na ikinagulat nya at parang naistatwa.

"WHAT THE HELL, KULIT??!!" dumagundong sa buong bahay ang boses ni Sungit kaya napatingin kami sa kanya.

"Oh, bakit?" kunwaring inosente kong tanong pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang tumawa.

Salubong ang kilay na tumingin sya sakin saka sinamaan ng tingin si Dee.

"WHAT THE HELL, VINCE? STAY AWAY FROM MY GIRL IF YOU DON'T WANNA DIE!" galit na sigaw ni Sungit kay Dee.

"What the? I'm not the one who kiss here first?! She kiss me you know and you see that." sabi ni Dee kaya mahinang siniko ko sya sa tyan kaya napatingin sya sakin na nagtataka.

Tinignan ko sya nang 'Sumakay-ka-nalang-look' kaya parang na gets na din nya.

"And what the hell is that huh? Both of you looking each other?! Come here, Kulit!" galit na sabi ni Sungit pero tinignan ko lang sya na kunwari hindi alam ang sinasabi nya. "I SAID COME HERE!" sigaw nya saka ako hinila palayo kay Dee at sa mga kaibigan namin at hinila ako palabas ng bahay.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon