THIRD PERSON'S POV
Isang linggo na ang nakaraan at isang linggo na din simula ng makalabas ng ospital si Jk. Kahit na hindi pa pwede ay nagpumilit parin sya kaya wala nang nagawa ang pamilya at mga kaibigan nya.
"Jk!" masayang tawag nila Angela kay Jk na nasa kubo ng garden.
"Bakit?" tanong nito habang nasa laptop ang tingin.
Masayang tumabi ang mga babae sa kanya saka sabay-sabay na naglahad ng mga kamay. Pero hindi tinignan ni Jk ang mga kamay nilang nakalahad.
"Uy Jk, tignan mo naman ang mga kamay namin!" nakangusong sabi ni Aless.
"Ano ba y--" hindi na natapos ni Jk ang sasabihin ng makita ang mga kamay ng mga kaibigang babae. "Kailan pa?" tanong nya saka tumingin sa mga kaibigang malawak ang ngiti sa kanya.
"Kagabi lang, nung inaya kami ng date ng mga lalaki!" nakangiting sagot ni Angela kaya napatango si Jk.
"Congrats!" nakangiting sabi ni Jk at ngumiti.
"Waaaaaah ang saya ko ngayon kasi balik na ang Jk namin sa dati!" sabi ni Aj kaya natatawang napailing si Jk saka tumingin ulit sa laptop.
"So sabay-sabay ang kasal nyo?" tanong ni Jk na inilingan ng mga babae.
"Nope, pero kada buwan dalawang babae samin ang ikakasal sa magkaibang araw!" sabi ni Kate na tinanguan ni Jk.
"Pero mauuna sila kuya mo!" sabi ni Lj na tinignan si White at Red na nakakaasar.
"Tumigil nga kayo!" sabi ni White na namumula ang pisnge.
"Eyyyy teka nga, eh kayo ni Vlad? Anong balak nyo?" pag-iiba ni Red ng usapan.
"Oo nga, Jk!" sabi pa ng ibang babae.
"Ayos lang naman kami!" sagot ni Jk na inosente ang mukha.
"Haish ibig naming sabihin, anong balak nyo ni Vlad? Wala ba syang balak na mag propose sayo?" kunot noong tanong ni Pressy.
"Mas focus kaming pareho sa kompanya!" sagot ni Jk na nasa laptop ang tingin.
"Sayang ang panahon, Jk! Dapat na magpakasal na kayo!" sabi ni Althea na agad namang sinang-ayunan ng ibang babae.
"Mauna na kayo, wag nyo kaming pakealaman ni Sungit!" sabi ni Jk
"Sana sumama nalang kayo sa dinner date namin kagabi!" sabi ni Kath
"Para ano? Para maging audience nyo kami? Tsk mag-aasikaso nalang kami sa negosyo namin!... No thanks nalang!" iiling-iling na sabi ni Jk.
"Wait, may negosyo kayo ni Vlad? 'Negosyo' nyo talaga?" nanlalaking mga tanong ni Lyra na tinanguan ni Jk.
"Halaaaa sana all! Kami kasi ni Jace mag-iisip palang kapag kasal na kami!" sabi ni Lyra
"Oyyyyy nag fa-family planning na pala kayo ni Vlad ah!" pang-aasar ni Blue na nginitian lang ni Jk.
"Tara na sa loob, nandun ang mga lalaki!" sabi ni Green na tinanguan ni Jk at niligpit ang laptop at sabay-sabay silang lumabas ng kubo.
Naunang pumasok si Jk kasunod ang ibang babae at nakita nila ang mga lalaki na masayang nagkukwentuhan. Pero ng makita sila ng mga lalaki ay agad itong ngumiti ng malawak sa kanila.
"Congrats sa inyong lahat!" nakangiting sabi ni Jk saka lumapit kay Vlad at naupo sa tabi nito. Ang ibang babae naman ay pumunta sa tabi ng fiance nila.
BINABASA MO ANG
MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGIT
Genç Kurgu(COMPLETED) √Ms.Makulit Na Misteryoso Meet Mr.Masungit Book 1 Babaeng masekreto pero mapagmahal at handang magsakripisyo para sa mahal nya. Ang inaakalang mahina ay may lakas palang tinatago at kayang manakit o pumatay na hindi nila inaasahan. Baba...