CLAIRE'S POV
Nandito ako ngayon sa sala nanonood ng tv habang kumakain ng ice cream na nilagyan ko ng marshmallow, manggang hilaw na sinawsaw ko sa bagoong, at chips. Kasama kong nanonood sila kuya ng barbie na halatang napipilitan lang dahil sa mga mukha nilang naka busangot at naka cross arms. Pinilit kasi sila ni lola Lura at lola Arandelle na samahan ako para daw hindi ako malungkot.
"Ang pangit-pangit talaga ng palabas na yan" rinig kong sabi ni kuya Ace na katabi ko lang.
"Oo nga, pang bata lang naman kasi yan eh" sabi din ni kuya Acere na katabi ni kuya Ace.
"Maganda kaya, ang ku-cute nga nila eh" naka pout kong sabi.
"Sayo maganda pero samin hindi" masungit na sabi ni kuya Ace.
"Isusumbong ko kayo kay lola" parang batang sabi ko.
"Uy, ito naman hindi mabiro. Syempre maganda, oh tignan mo oh ang ku-cute nga nila" sabi ni kuya Ace kaya napatawa ako ng mahina.
"Oo nga maganda naman ah?!" sang-ayon ni kuya Acere.
"Tss, sabi ko naman sa inyo eh *pout*" naka pout kong sabi.
Tumahimik na ulit kami at ako naman ay kumain na ulit. Pero hindi pa nakakatagal ang pagkain ko ng biglang mawalan ako ng gana. Kinuha ko ang phone ko na nasa tabi ko at tinawagan si Jk. Nakailang ring na pero hindi parin nya sinasagot hanggang sa mamatay. Tinawagan ko ulit sya at buti naman sinagot na nya bago pa mamatay.
"Bakit ang tagal mong sagutin?" inis na tanong ko na naka kunot ang noo. Napatingin sila kuya sakin pero hindi ko sila pinansin.
("May ginagawa kasi ako tyaka bakit ka tumawag?") tanong nya
"Punta ka dito, g-gusto kitang makita" sabi ko na nahihiya.
("Baliw ka bang buntis ka? Alam mong hindi nila alam na gising na ako papupuntahin mo pa ako dyan?!") sabi nya kaya napa ngiwi at napa kamot ako ng ulo.
"Oo nga pala, sige ako nalang ang pupunta dyan" sabi ko
("Wag na, mag pahinga ka nalang dyan. Hindi kita maaasikaso kasi marami akong ginagawa") sabinya kaya nalungkot ako.
"Ok lang basta makita lang kita" pamimilit ko
("Tss, hindi nga pwede, wag nang matigas ang ulo, Claire... Kapag ayos na ang lahat magkikita na ikaw at ako") sabi nya pero hindi parin nawala ang lungkot ko.
"Pupunta ako dyan ngayon na" pagmamatigas ko saka tumayo at binabaan sya.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ni kuya Acere kaya napahinto ako at humarap sa kanila.
"Aalis po ako ngayon kasama si Gerald" pagsisinungaling ko.
"Hindi pwede! Baka may kung anong mangyari" sabi nya kaya napa busangot ako.
"Sige na, kuya. Bored na bored na ako dito" sabi ko at nagpa cute.
"Tss, wag kang papagabi baka kami ang mapagalitan" sabi ni kuya Ace kaya sa tuwa ko niyakap ko sila pareho pero hindi nila sinuklian. Ok lang dahil alam kong hindi pa nila ako kayang pakisamahan tulad ng dati pero I promise na hindi ako titigil hanggat hindi nila ako napapatawad.
"Hatid ka na namin" sabi ni kuya Acere pagkakalas ng yakap namin.
"Hindi na, kuya. Susunduin ako ni Gerald sa kanto" sabi ko na ikina kunot ng noo nila.
"Bakit hindi ka nya sunduin dito?" tanong ni kuya Ace
"Ahh s-sabi ko po, oo tama sabi ko" pilit ang ngiting sabi ko. "Sige po mag-aayos na ako" paalam ko saka umakyat ng kwarto.
BINABASA MO ANG
MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGIT
Teen Fiction(COMPLETED) √Ms.Makulit Na Misteryoso Meet Mr.Masungit Book 1 Babaeng masekreto pero mapagmahal at handang magsakripisyo para sa mahal nya. Ang inaakalang mahina ay may lakas palang tinatago at kayang manakit o pumatay na hindi nila inaasahan. Baba...