SPECIAL CHAPTER

3.6K 132 23
                                    

Here is the link of book 2 (https://www.wattpad.com/story/227033686?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_writing&wp_page=create&wp_uname=DEMGEL_28&wp_originator=YfH8inFSUaPq2UiRQwZSVktDb%2F1PEj6gSF7jHlkrCZfuoG45A56otM3rIx81O0xa%2FmhHcQv7z8tJ67N9iRbkG8BVIR3vfKcJCEWOXuPBXv8LRTv%2Bdv21baDcbJA8XXnP)


*JK'S POV*


Isang linggo ang nakalipas matapos mag propose ni Sungit sakin. Lahat naging abala sa pag-aasikaso ng kasal at talagang napapangiwi nalang kami ni Sungit dahil daig pa nila ang ikakasal sa sobrang excited.

Halos wala na kaming ginawa ni Sungit dahil lahat ay magulang at mga kaibigan na namin ang nag-asikaso. Tinatanong nalang nila kami kung saang simbahan, anong gown at suit, anong klaseng cake, kung saang reception, kung sino ang mga imbitado, kung ilang tao ang iimbitahan at marami pang iba.

Halos lahat ng tao na importante sa buhay namin tumutulong. Ang mga babae tinutulungan ako habang ang mga lalaki naman ay tinutulungan si Sungit. Napag desisyunan din namin wala nang magaganap na party para sa huling pagiging dalaga at binata.

Hindi namin kailangan ni Sungit yun at hindi din mahalaga para samin. Pati pamilya at mga kaibigan namin sumang-ayon sa desisyon namin at siguradong-sigurado na daw silang kami na nga ni Sungit ang magkakatuluyan.

"Eh ito? Gusto mo ba ang ganitong design sa wedding dress mo?"-tanong sakin ni Lj at pinakita sakin ang drawing nya.

"Hindi na kailangan, ayos na sakin ang simpleng wedding dress lang!"-nakangiting sagot ko na ikinabusangot nilang mga babae.

"Ano kaba naman, Jk... minsan lang sa buhay mo ang ikasal kaya dapat bonggang-bongga!"-sabi ni Angela habang himas-himas ang tyan nyang maliit pa.

Actually halos silang lahat himas-himas ang mga tyan nila maliban saming dalawa ni Claire at mga parents namin. Na aasiwa akong tignan sila at parang nagdadalawang isip na akong magbuntis. Halos araw-araw kasi ako ang trip ng mga babaitang 'to. Walang araw na tahimik ang buhay ko. Halos sa bahay na nga tumira ang mga babaeng 'to eh.

Wala na kasi kami sa bahay namin dati. Dahil nga may asawa na sila ay may bahay na sila kasama ang mga asawa nila. Kami naman ni Sungit pinabalik na ng bahay ng magulang namin at binenta ang bahay na binili namin. Gusto daw kasing masulit ng mga magulang namin na makasama kami hanggat hindi pa kami naikakasal. Tungkol naman sa kompanya namin ay ipinagkatiwala muna namin kina lolo Felipe at lolo William.

"Oy ano? Ayos kapa ba dyan?"-sabi ni Claire kaya napatingin ako sa kanya at sa iba pa.

"Oo, may naalala lang ako!"-sagot ko at tipid na ngumiti sa kanila.

"So back to topic na tayo... tulad nga ng sabi ni Angela, minsa kalang ikasala kaya dapat bongga! Aba Jk, mayaman ka at mayaman ang mapapangasawa mo kaya dapat lang na masunod ang mga gusto nyo para sa kasal nyong dalawa!"-sabi ni Aless kaya napakamot nalang ako sa noo ko.

"Eh ang gusto ko nga simple lang! Hindi ko naman kailangan na sobrang garbo ng kasal! Mas mahalaga sakin ang kami ni Sungit, kahit saan kami ikasal basta sya ang papakasalan ko ayos lang!"-sagot ko kaya kalaunan ay matamis na ngumiti sila sakin.

"Hayaan nyo na si Jk sa gusto nya, alam nya ang makakabuti at hindi sa kanya!"-sabi ni lola Arandelle kaya nginitian ko sya.

"Sigurado kana ba dyan sa desisyon mo? Tandaan mo anak, isang beses lang sa buhay mo na maikakasal ka!"-sabi ni mama na nakangiting tinanguan ko.

"Siguradong-sigurado po ako, ma!"-sabi ko pa

"Wag mong itulad sayo yang anak mo, Kelly!"-sabi ni lola Lura kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon