THIRD PERSON'S POV
Matapos ayusin nina Jk at DSG ang mga bulaklak, nagpahinga agad sila.
"Uy kain na" sabi ni Zayn na may dalang dalawang plastic at gan'on din ang kasama nyang sina Rence, Jake, at Khy. Naglatag sila ng pangsapin saka nilapag ang mga plastic. Naupo sila ng pabilog saka kumuha ng kanya-kanyang pagkain.
"Oh ito pa kainin mo"
sabi ni Zayn na binigay kay Jk ang burger na hindi naman tinanggihan ng isa."Grabe ka kumain,parang hindi ka kumain ng agahan ah"-naka ngiwing sabi ni Cj
"Naku insan,talagang hindi naka kain 'yan ng agahan"-pagsusumbong ni Aless
"Late na kasi syang na gising dahil pagod kagabi,then hindi din sya kumain kagabi"-sabi pa ni Aj
"Magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo"-sabi ni Zayn
"Ngayon lang naman eh"-pagsisinungaling ni Jk,ang totoo nyan eh napapadalas ang hindi nya pagkain dahil sa dami ng ginagawa.
"Sinungaling"-sabi ng limang babae na katabi lang nya.
"Sakyan nyo nalang"-bulong din nya sa mga ito.
"Dapat lang na hindi maulit ulit dahil lagot ka samin"-sabi ni Dan
"Anong oras na?"-tanong ni Aj
"3:40 palang,bakit?"-sabi ni Mark
"Ang boring kasi eh,wala ba kayong alam na pwedeng gawin?"-tanong ni Aj na tinignan ang mga kasama.
"Meron"-sagot ni Jk kaya napatingin sa kanya ang lahat.
"Ano?/What is it?"-sabay-sabay nilang tanong
"Matulog"-sagot ni Jk pero binato sya ng balot ng burger ng mga babae.
"Baliw ka,hindi 'yon ang gusto namin"-sabi ni Lj
"Edi maglaro kayo"-sabi ni Jk
"Anong klaseng laro?"-kunot noong tanong ni Jake
"Basket ball,soccer,volleyball,uno,tagu-taguan,habul-habulan,agawan base,langit lupa,baseball,boxing,wrestling,martial artat tumbang preso"-mga suggest ni Jk
"Hindi kami marunong mag-laro ng iba mong sinabi then 'yong iba naman masyadong pambata"-singhal ni Angela
"Hayst,matutulog nalang ako...bahala kayo kung anong gawin nyo"-sabi ni Jk na humikab,tumayo sya at pumunta sa upuang kahoy saka nahiga.Hinubad nya ang blazer nya at pinangtakip mula bewang hanggang paa.Ginawa nyang unan ang kanang braso at pinangtakip ang kaliwang braso sa mata.Hindi pa sya nakakatulog ng may maramdamang presensya na palapit sa kanya.Inalis nya ang braso sa mata at tinignan ang tao.
"Bakit?"-inosenteng tanong nya
"Gusto kitang bantayan sa pagtulog mo"-naka ngiting sabi ni Cj.
"Hindi na,sumali ka nalang sa kanila"-tanggi ni Jk
"Ayoko! Ngayon nalang ulit tayo nagkita kaya dito lang ako"-pagmamatigas ng isa na parang bata.
"Ikaw ang bahala"-kibit balikat na sabi ni Jk na pumikit at tinakpan ang mata.Naramdaman nyang parang may bumuhat ng ulo nya at inihiga sa hita.
'Hita?'-takang tanong ni Jk sa isip at tinignan ang taong gumawa n'on sa kanya.
"Matulog kana"-naka ngiting sabi ni Cj na hinahagod ang buhok ni Jk.Pumikit ulit si Jk na tumagilid saka isinubsob ang mukha sa tyan ni Cj.
"Ang bago mo Kim"-sabi ni Jk na inamoy-amoy ang uniform ng kaibigan.
"Hahaha palagi naman akong mabango eh"-sabi ni Cj
BINABASA MO ANG
MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGIT
Novela Juvenil(COMPLETED) √Ms.Makulit Na Misteryoso Meet Mr.Masungit Book 1 Babaeng masekreto pero mapagmahal at handang magsakripisyo para sa mahal nya. Ang inaakalang mahina ay may lakas palang tinatago at kayang manakit o pumatay na hindi nila inaasahan. Baba...