CHAPTER 19

2.3K 102 3
                                    

ANGELA'S POV

Nandito ako ngayon sa banyo ng cr ko naliligo. Well, kailangang formal dress and isuot ng mga babae at suit naman sa mga lalaki. Ito ang unang pagkakataon na mag se-celebrate kami na may mga kasama. Dati kasi kaming lima lang ang pupunta kung saan-saan para mag celebrate. Ito din ang unang pagkakataon na mag po-formal attire kami.

Pagkatapos kong maligo sinuot ko ang pink dress at high heels. Kaming mga babae ay pink dress ang isusuot base sa sinabi ni Lj. Sinang-ayunan nalang namin dahil ito din ang unang pagkakataon na pare-pareho kami ng isusuot. Sinuklay ko ang buhok ko at nag make-up ng light. Lumabas ako na dala ang ireregalo sa apat at bumaba ng sala. Wala pa sila kaya naupo muna ako at hinintay sila, hindi din naman nagtagal ang paghihintay ko ng bumaba na sila habang inaalalayan ng mga lalaki.

"Wala pa si Jk?" tanong ni Aless ng makalapit sila.

"Nakikita mo ba sya?" sarkastik kong tanong.

"Hmp, nagagaya narin kayo kay Jk" naka busangot nyang sabi.

"Eh kasi naman, obvious na wala sya dito nagtanong ka pa" sabi ko

"Eh malay ko ba kung pumunta lang ng kusina?!" pagdadahilan nya.

*DING*DONG*DING*DONG*

"Nasa labas na daw ang DSG, kasama ang mga Kings at si Zayn" sabi ni Lj habang naka tingin sa cellphone. Tumayo kaming apat at lumabas, nagpaiwan na ang SG dahil masyado kaming marami. Binuksan ko ang maliit na gate sa gilid ng malaking gate then nakita ko nga sila na nakatayo habang naka talikod sa gawi namin.

"Pasok na kayo" sabi ko dahilan para mapalingon sila sakin.

"Wow, you look gorgeous" puri nila maliban sa tatlong yelo.

"Thanks" naka ngiting sabi ko saka nilawakan ang pagkakabukas ng gate.

"Ang gagwapo nyo" sabi ko

"Hahaha hindi na bago 'yan, pero mas lamang ako ng gwapo" mayabang na sabi ni Jake na inayos ang suit.

"Kapal, ako ang mas gwapox uy" angal ni Rence

"Ako tol, ang dami ngang iniiyakan ako para lang mapansin ko sila" mayabang na sabi ni Jake.

"Wag na kayong mag-away... Ako ang pinaka gwapo sa 'ting lahat oh" sabi ni Mark at inayos ang suit.

"Tsk, tsk, tsk, mga isip bata" iiling-iling na sabi ni Edd saka tumingin sa likod ko. "Ang gaganda nyo" sabi nya

"Sus ito naman, matagal na naming alam, Edd" sabi ni Aj kaya napairap ako.

"Fred, Zayn, ipasok nyo nalang ang kotse nyo. Padating narin sila kuya Ace. Tyaka para hindi kayo mahirapang lumabas mamaya kapag lasing kayong umuwi" sabi ni Lj na tinaguan ng dalawa at lumabas.

"May inumang magaganap?" kunot noong tanong ko.

"Konti lang naman eh" sabi nya

"Pero may sinabi kang 'lasing' " sabi ko

"Hihihi" naka ngiwing ngiti nya.

Pagka park ng dalawa ng kotse nila, dumating din sila kuya Ace na naka sakay din ang kambal. Nauna kaming pumasok pero napahinto din dahil pansin kong ang layo ng kambal.

"Mauna na kayo sa roof top, isabay nyo na ang SG" baling ko sa DSG, Kings, at kay Zayn. Tinanguan nila ako saka umalis. Lumapit kaming apat sa kambal na parang naiilang.

"Ah kasi, Angela, Lj, Aless, Aj... A-ano kasi eh" nag-aalin langang sabi ni kuya Acere na hindi makatingin saming apat.

"Sabihin mo na, kuya Acere" sabi ko

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon