CHAPTER 17

2.5K 105 10
                                    

REYMOND'S POV

Nandito ako sa dining at kumakain pa. Ang mga kasama ko naman ay nauna na sakin. Na late kasi ako ng gising dahil nag-usap usap kami at nag plano. Pagkatapos kong kumain, dali-dali akong nagsipilyo tyaka lumabas papuntang garahe dala ang bag ko. BPapasok na sana ako sa kotse ko ng mag ring cellphone ko.

"Hello?" tanong ko pagka sagot ko ng tawag.

("Asan kana?") tanong ni Khy na syang tumawag.

"On the way na, bakit?" sabi ko

("Geh dalian mo, kakausapin pa natin si Jk") sabi nya

"Sige" sabi ko saka binabaan sya ng tawag. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko sa driver seat at sumakay. Hinintay ko munang bumukas ang gate saka pinaharurot papuntang university.

Nag park ako sa tabi ng kotse nila Reymark at Jake saka tumakbo papasok ng campus. Nag kanya-kanya kami ng sasakyan dahil may paggagamitan kami mamaya. Agad kong pinihit ang knob ng pinto ng room at pumasok. Dumeretso akong upuan ko na tumingin muna sa line nila Jk bago tumingin sa mga kasama ko.

"Ano, handa na ba?" tanong ko

"Oo, kailangan nalang nating kausapin si Jk para pumayag sila" sabi ni Mark

"Eh papayag kaya sya?" nag-aalalang tanong ni Reymark.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan... Pero sana pumayag sya" sabi ni Christian at mag-uusap pa sana kami ng pumasok ang prof namin kaya umupo kami ng ayos.

"Ok class, may bago kayong magiging kaklase na galing sa ibang bansa. Kaya please be nice with them... Come in boys and introduce your selves." sabi ni ma'am. Tutok kaming lahat sa pinto pero nanlaki ang mga mata ko at ng mga kaibigan ko except sa tatlong yelo na walang reaksyon. Pumasok ang limang lalaki na unang tumingin kay Claire bago sa lahat.

"I'm Dan Sy, 17"

"I'm Fred Tan, 17"

"I'm Cj Kim, 17 and cousin of Alessandra Kim" sabi nya na naka ngiting tumingin sa pwesto nila Jk. Tumingin kami sa kanila pero nasa unahan lang ang tingin nila.

"I'm Froilan Sanchez, 17"

"I'm Edd Martin, 17"

Sunod-sunod na pakilala nila na mga naka ngiti except sa Cj na ngumiti lang kay Aless at 'yong Edd na seryoso lang.

"Ok boys, maupo na kayo sa likod nila miss Young. Miss Young, please raise you hand" sabi ni ma'am na agad namang ginawa ni Jk. Naglakad ang lima sa likod at naupo. Nagsimulang mag discuss si ma'am kaya nakinig nalang kami.

*CRINGG*CRINGG*CRINGG* (Tunog po 'yan ng bell)

"Good bye, class" paalam ni ma'am saka lumabas kahit hindi pa kami nagpapaalam. Nag-unahang lumabas ang mga kaklase namin hanggang sa kami, sila Jk, ang limang transferee, si Zayn,at sila Claire na kasama ang mga grupo nya.

"Hey Vlad, aalis muna kami. May pinapagawa kasi ang council samin eh" paalam ni Claire na hindi pinansin ni Vlad.Umalis na sila Claire na sinundan ng lima at nila Jk kasama si Zayn.

"Bakit ba sunod ng sunod 'yong Zayn na 'yon kina Jk?" kunot noong sabi ni Jake.

"Kaibigan syempre" sabi ko

"Hindi 'yon ang nakikita ko" sabi nya na inirapan ako.

"May gusto ka kay Jk 'no?" biglang sabi ni Rence kaya napatingin kami kay Jake na nanlalaki ang mga mata.

"May gusto ka kay Jk?" kunot noong tanong ni Khy.

"W-wala ah, tss hindi ko type ang tulad ni Jk 'no!" sabi nya

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon