CHAPTER 52

1.7K 65 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ng makarating si Jk sa arena ay agad syang sinalubong ng mga tauhan at nagbigay galang sa kanya. Binati sya nito isa-isa pero tuloy-tuloy lang ang lakad nito na madilim ang awra. Ng malagpasan sila ni Jk ay saka sila umayos ng tayo at takang sinundan ng tingin si Jk.

Alam ng lahat nang tao sa arena na binabati din sila ni Jk kapag binabati nila ito. Pero ngayon lang nangyari na hindi sila pinansin ni Jk kaya nagtataka talaga sila.

Samantalang si Jk naman ay pumasok sa isang kwarto na kulay itim. Nagtaka naman ang dalawang tao sa loob ng kwarto. Parehong naka gapos ang kamay at paa sa upuan nila. Nasa gitna lang din ang ilaw na bilog kaya hindi nila makita si Jk.

"Dalhin ang isa pa dito!"-malamig na utos ni Jk sa mga tauhan nya na tinanguan sya saka ito pumasok sa isa pang kwarto.

"Sino ka?"-tanong ng señor na pero hindi sya sinagot ni Jk at tinignan lang ang dalawa.

"ANO BA? BITIWAN NYO NGA AKO?... SA'N NYO BA AKO DADALHIN?"-sigaw ni Melissa na nagpupumiglas sa dalawang taong nakahawak sa kanya.

Pinasok ng dalawa si Melissa sa kwarto kung nasan si Jk at ang dalawa pa. Inupo ng dalawa si Melissa sa tabi ng dalawa na takang tinignan sya.

"Melissa?"-tanong ng señor kaya napatingin si Melissa sa dalawa at nanlaki ang mga mata nya ng makita ang dalawa.

"Tita? Tito? Pa'nong nangyaring nandito kayo? Akala namin wala na kayo?"-takang-takang tanong ni Melissa.

"Well? Natalo kami sa laban! Sumugod kami dito at hindi namin inaasahang si Dark na pala ang namumuno dito!"-sagot ng señor kahit labag sa loob nya sabihin ang pagkatalo nila.

"Si Dark? Ibig sabihin nakalaban nyo sya?"-nanlalaking mga matang tanong ni Melissa.

"Ganun na nga! Eh ikaw? Pa'no ka nakarating dito?"-tanong ni Elliana.

"Tama na yang kamustahan nyo!"-sabat ni Jk sa tatlo sa malamig na boses kaya napatingin sa kanya ang tatlo kahit madilim sa kinatatayuan nya.

"Anong kailangan mo samin? Bakit ka napadalaw?"-nakangising tanong ni Elliana.

"Simple!... Makakalabas na kayo dito bukas!"-nakangising sabi ni Jk na ikinataka ng tatlo.

"Anong ibig mong sabihin?"-kunot noong tanong ng señor.

"Malalaman nyo rin!"-sabi ni Jk bago tumalikod sa tatlo at lumabas ng kwarto na hindi nakikilala ng tatlo.

*ACERE'S POV*
Pagkaalis ni Jk ay sinubukan pa naming syang tawagin at sundan pero masyado syang mabilis. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanya. Nagtataka na ako sa inasta nya kanina nung kausapin ko sya.

Kweninto ko ang pinag-usapan namin sa iba at maging sila ay nagtataka at nagtatanong. Kahit ang mga madalas na nakakasama nya hindi din alam kung anong meron sa kanya.

"Siguro nagkakaganun sya dahil sa nangyari sa lolo't lola nya!"-sabi ni Kate kaya napatingin kami sa kanya.

"May alam ba kayo na pwede nyang puntahan?"-tanong ni Mom kaya nagkatinginan ang mga kaibigan namin.

"Madalas po syang pumupunta ng arena! Pero lagi-lagi sa sementeryo ko po syang nakikita kapag sinusundan ko sya!... Nakikita ko syang kinakausap ang lola nya at si nanay Rita! Isa pa po sa kompanya nya lang ang napupuntahan nya! Yung tatlong yun lang ang madalas nyang puntahan!"-sagot ni Angela

"May hinala po ba kayo kung sino ang may kagagawan nun kina lolo Felipe?"-tanong ni Aless kina dad.

"Oo, isa lang naman ang mahigpit na kalaban namin! Ang mga clan lang!"-sabi ni dad kaya may pumasok agad sa isip ko.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon