CHAPTER 55

2.3K 71 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Sa loob ng arena kung saan ang natira nalang ay si Jk, Vlad, Diana, at ang mga magulang nito ay magkaharap-harap na. Seryoso ang mga mukha nila maliban kay Jk na malamig ang tingin sa Ford.

"Masaya kana ba, Jk? Masaya kana ba na nagulo mo ang buhay namin ha?" galit na tanong ni Diana na naka kuyom ang dalawang kamay.

"Tumahimik ka, wala kang alam kaya wag mo akong tatanungin ng ganyan!" malamig na sabi ni Jk pero kitang-kita ang galit sa maitim nitong mga mata.

"No, hindi ako mananahimik dahil lang sa wala akong alam kung anong meron kayo!... Ang gusto ko lang naman ay bumalik kami ni Vlad sa dati! Pero ng dahil sayo hindi na mangyayari yun!... Sinira mo kaming dalawa ngayon naman ang buhay ng pamilya ko!" sabi ni Diana na akmang lalapit kay Jk pero pinigilan sya ni Ian.

"Sigurado ka ba dyan sa mga sinasabi mo? Ako? Sinira kayo ni Fuentes?... Baka nakakalimutan mong ikaw ang nakipaghiwalay sa kanya? Ikaw ang nang-iwan kaya wag na wag mong ibabaling ang sisi sakin!... Ang 'kapal kapal' naman ng mukha mo, Diana? Sing kapal ba yan ng mukha ng mga magulang mo?" sabi ni Jk na agad hinawakan ni Vlad sa braso ng akmang lalapitan nya si Diana.

Bigla namang natahimik si Diana dahil sa sinabi ni Jk at napaisip. Kasalanan naman nya talaga kaya hindi na babalik si Vlad sa kanya kahit kailan pa. Hindi nya lang talaga matanggap at ayaw nyang isisi sa sarili nya kaya si Jk ang sinisisi nya. Pero isa pang dahilan kung bakit nya sinisisi si Jk dahil lahat nang gusto ng magulang nya na katangian ay nakay Jk lahat. Hindi sing talino ni Jk. Hindi sing galing sa kahit anong bagay o larangan. Hindi nya hilig ang mag-aral at ang mag manage ng business dahil ang gusto nya lang ay ang makasama si Vlad.

Kaya si Jk ang sinisisi nya dahil hindi na babalik si Vlad sa kanya dahil kay Jk. Naiinis at mas nagagalit sya dahil lahat nalang ng tao gusto si Jk. Pati mga kaibigan nya dati tinalikuran sya dahil kay Jk. Pati si James na dating kasama at dumadamay sa kanya iniwan sya dahil kay Jk.

"Kasalanan mo naman talaga ang lahat eh!" nakayukong sabi ni Diana dahil sa luhang tumutulo na pala. "Kasalanan mo na ipinanganak ka sa mundong 'to! Kasalanan mo kung bakit ayaw na sakin ni Vlad at ng mga kaibigan namin! Kasalanan mo na nakilala ka naming lahat... Na dumating ka sa buhay namin!" sabi pa nya at saka dahan-dahang nag-angat ng tingin kay Jk na ngayon ay nakangisi sa kanya.

"Hindi ko kasalanan yun! Nakatadhanang mangyari ang lahat nang yun! Nakatadhanang ipanganak ako sa mundong 'to! Nakatadhanang makilala nyo ako at dumating sa buhay nyo!... At kasalanan nyo ng magulang mo ang lahat nang 'to. Wala akong kasalanan dito kundi ang hayaan ang magulang mo noon na makatapak sa teritoryo ko!" sabi ni Jk kaya mas naiiyak si Diana dahil sa narinig.

"Tumahimik ka na, Dark!" galit na sabi ni Daniela nang makita ang anak na naiiyak lalo at nasaktan. Sarkastikong napatingin si Jk kay Daniela saka nginisihan ito.

"Tumahimik? At sa tingin mo hahayaan ko ang anak mo na magsalita at ako mananahimik lang? Sino ka ba sa akala mo para utusan ako?" tanong ni Jk na nakangisi pero agad na napalitan ng kunot na noo.

"H-hindi kita inuutusan, n-nakikiusap ako sayo!" mahinang sagot ni Daniela na nakayuko. Malakas namang tumawa si Jk sa narinig kay Daniela. Isang malakas na sarkastikong tawa.

"Kahit kailan pinapatawa mo talaga ako, Daniela!" sabi ni Jk na iiling-iling.

"Di ba naniningil ka? Ok sige kami nalang ang pagbayarin mo wag lang si Diana!" sabi ni Ian kaya napatingin sa kanya sila Jk pati na ang mag-ina nya.

"Inaamin nyo bang kayo ang may kasalanan ng lahat!!? Na kayo ang pumatay sa lola ko??!!... At kayo ang dahilan kaya magulo ang mga buhay namin?" seyosong tanong ni Jk na tinanguan ni Ian kaya napangisi sya sa kaloob-looban nya.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon