CHAPTER 48

1.6K 68 3
                                    

AJ'S POV

"Uy tara akyatin na natin si Jk sa kwarto nya!"-sabi ni Aless sakin kaya binaba ko ang phone sa table at tumingin sa kanya.

"Bababa din yun!"-sabi ko at pasiring na inalis ang tingin sa kanya.

"Tongek ka ba? May event na mangyayari bukas!"-gulat na napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Event? Saan? Anong oras? Tyaka kaninong event yun?"-sunod-sunod na tanong ko.

"Tumawag sakin ni Maris na i-w-welcome nya ang bagong tayong restaurant nya!"-sagot nya kaya nagtaka ako.

"Restaurant 'nya'?"-tanong ko na tinanguan nya.

"Sariling restaurant nya yun at tinulungan daw sya ni Jk dun! Pero sabi nya malaking event ang magaganap mamaya dahil lahat ng business partners ay pupunta!"-sabi nya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Eh bakit big event ang magaganap kung restaurant lang naman ang i-c-celebrate?"-takang tanong ko.

"Syempre hindi lang yun 'no, siguradong may malaking magaganap!"-sabi nya kaya napatango-tango ako.

"Edi magpapakita sya sa lahat ng taong pupunta dun?"-tanong ko pero nagkibit balikat sya.

"Pinag-uusapan nyo?"-biglang sulpot ni Angela at Lj saka naupo sa harap namin.

"May event daw?"-tanong ko na tinanguan nila.

"Anak ng... bakit parang ako lang ata ang hindi nakakaalam nyan?"-tanong ko pero iiling-iling na ngumisi sila sakin.

"Hindi din naman alam ni Jk at ng iba, kaming tatlo palang daw ayon kay Maris! Apat na kasi alam mo na din!"-sabi ni Angela pero inirapan ko sya at nag cross arm.

"Bukas pa naman yun eh!"-sabi ni Lj

"Eh bakit hindi pa alam ni Jk? Di ba dapat sya ang unang nakakaalam kasi sya ang President ng kompanya?"-tanong ko pero nag kibit balikat lang sila.

"Edi sabihin na natin!"-sabi ni Aless na tinanguan ko bilang pag sang-ayon.

"Wag!"-pigil ni Angela kaya kunot noong tumingin kami sa kanya.

"Bakit hindi?"-sabay na tanong namin ni Aless.

"Si Maris ang magsasabi sa kanya... tyaka hindi lang mga business partners ang pupunta!... May mga taong pupunta dun na gustong makipag partner!"-sabi nya kaya tatango-tango akong napasandal.

"Sama tayo?"-tanong ni Lj na nakangisi.

"Syempre naman!"-sabi naming apat saka gumisi ng nakakaloko.

"Uy sama kami dyan!"-biglang sulpot ng iba na ikinagulat namin. Lalo na ng magsalia si Edd.

"Saan kayo sasama?"-kunwaring tanong ko.

"Di ba may pinag-uusapan kayo na pupuntahan nyo?"-tanong ni Dan na nagtataka.

"O-oo nga, pero kakausapin muna namin si Maris!"-sabi ni Angela

"Ok!"-sabi nila saka nag-usap-usap.

Nagkatinginan kaming apat nila Angela saka sabay-sabay na nagpakawala ng hangin at nakisali sa usapan ng iba.

*JK'S POV*
Nandito ako sa loob ng kwarto ko at kanina pa ako gising pero hindi muna ako lumabas dahil maaga akong insturbo ni Dark.

"Look, Dark... kung hindi mo gusto ang plano ko then wag kang makialam! Gumawa ka ng sarili mong plano!"-sabi ko habang nakaupo sa gitna ng kama at sya naman ay sa harap ko.

As usual puro itim ang suot nya at naka maskara.

"Look, Jk... ayaw ko lang na mapahamak ka dahil lagot ako sa pamilya mo kung may mangyaring hindi maganda sayo!"-nag-aalalang sabi nya

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon