CHAPTER 25

2.2K 82 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Sa mansyon ng Dela Vega ay kompleto na ang pamilya pati ang Young. Pero hindi pa dumadating si Jk na kanina pa nila hinihintay. Hindi mapakali ang lahat dahil nag-aalala sila kay Jk at kung ano-ano na ang naiisip nila. Samantalang si Claire naman ay tahimik lang na nakatingin sa pamilya at nasasaktan.

"Acere, ang sabi mo ay darating sya pero bakit wala parin sya?" nag-aalalang tanong ng señora Young.

"Yun po ang sabi nya sakin kanina, lola. Sinubukan ko na rin po syang tawagan pero hindi nya sinasagot" na nginginig na sabi ni Acere.

"Uutusan ko na ang mga tauhan ko na hanapin sya" sabi ng señor Young.

"NANDITO NA PO AKO" sigaw ni Jk kaya napalabas ng dining ang pamilya nya pati si Claire.

Kunot noong tinignan nila si Jk dahil ang suot nya nang pumunta sya sa welcome party ay ganun parin. Nagtataka din sila dahil pawis na pawis ito at hingal na hingal.

"Why you took so long, Jk?" kunot noong tanong ng ama na may halong pag-aalala.

"Pasensya na po, may mga humarang po kasi sakin habang papunta ako dito" pagsasabi ni Jk ng totoo.

"What? Are you ok? Are you hurt? Tell us what did they do to you?" sunod-sunod na tanong ni señora Dela Vega.

"A-ah a-ayos lang ho a-ako" naka ngiwing sabi ni Jk.

"Anong ginawa nila sayo?" tanong ni Ace na nilapitan ang kapatid saka sinuri ang katawan nito.

"Ayos lang ako, kuya. Pinilit nila akong sumama sa kanila pero dumating yung mga assassins na pumunta sa hotel. Kinausap din ako nung taong hindi ko alam kung babae ba o lalaki" pagkukwento ni Jk.

"Si Dark ang nakausap mo, mga tauhan namin sila sa arena" sabi ng ama ni Jk.

"Maupo na tayo at kumain" sabi ng ina na sinang-ayunan ng lahat.

Bago pumunta si Claire sa dining ay sinuri nya muna si Jk. Nagtataka sya dahil wala manlang itong sugat na natamo. Naghihinala narin sya dito dahil nung kaninang may mga sumugod na kalaban ay hindi nya nakitang lumaban ito. Iniisip nya na siguro ay hindi pinapansin si Jk dahil wala itong laban, pero dapat na ito ang punterya dahil maaari nilang gamitin si Jk bilang bihag.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong sa kanya ni Jk kaya nabalik sya sa wisyo.

Hindi nya namalayang napatitig pala sya ng matagal kay Jk.

"Panget ka parin naman kahit wala kang dumi sa mukha" sabi nya na inirapan si Jk saka tinalikuran.

"Ibig sabihin pangit ka din kasi kapatid mo ako?!" sabi ni Jk at tumakbo na sa dining dahil alam nyang kokontra si Claire at hahaba lang ang usapan para sa kanya.

Naupo na silang lahat at nagsimula nang kumain ng tahimik.

"Bakit nyo po pala ako pinapunta dito bukod sa gusto nyong masigurong ayos lang ako?" basag ni Jk sa katahimikan.

"May gustong sabihin ang lolo nyo lalo na sayo" sabi ng ina.

"Ano po yun?" tanong ng tatlo habang si Jk ay uminom ng tubig dahil tapos na syang kumain.

"We want you to practice tomorrow, after your class go to arena. May apat na tao ang sasalubong sa inyo para turuan kayo" sabi ng señora Young.

"Pero marunong na po kaming tatlo lumaban, si Jk nalang po ang hindi" sabi ni Acere.

"Marunong syang manapak ng malakas, kuya" singit ni Claire kaya napatingin sa kanya ang lahat.

"What do you mean? Eh sapak lang naman yun, hindi sapat ang sapak lang sa laban" sabi ni Kelly

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon