CHAPTER 37

2.2K 78 1
                                    

CLAIRE'S POV

Mabilis na lumipas ang panahon at October 1 na ngayon. Nandito kami sa mansyon namin kasama ang mga babaeng kaibigan ni Jk na kaibigan ko na din. Nagpaplano kami para sa debu ni Jk at excited na ako. Marami kasi akong gustong mangyari sa party nya at gusto kong bongga ang kalalabasan. Minsan lang magsuot ng gown si Jk kaya susulitin ko na.

"Hey, your spacing out" napatingin ako kay kuya Acere ng magsalita sya.

Nandito kami ngayon sa sala at nakaupo habang kaharap sila dad at sa gilid naman ang tatlong babaeng mag o-organize ng party ni Jk.

"May iniisip lang ako, kuya" nakangiting sabi ko saka tumingin sa mga babae.

"Anong theme po ba ang gusto nyo sa party?" tanong ng nasa gitnang babae.

"Ahm boyish type po kasi ang mag di-debu so hindi po namin alam kung ano" sabi ni Angela kaya napatango-tango ang mga babae.

"Hmmm medyo mahihirapan nga po tayo kung ganun" sabi ng nasa kaliwang babae.

"Pero may mga kulay po kaming ire-request na gusto po ng debutant" sabi ni Lj

"Ano po ba ang mga kulay na gusto nya?" tanong ng nasa kanang babae.

"Ahm white, sky blue, red, black, at gray" sabi ni Lj

"Wag po yung black at gray kasi pangpatay ang kulay" nakasimangot na sabi ko.

"Hmmm kami na po ang bahala sa kulay na sinabi nyo, sa flowers po ba?" tanong ng nasa kaliwang babae.

"Red, white, at pink sana" sabi ni mommy

"Saang venue po ba gaganapin para masimulan na po namin ang pag-aayos?" nasa gitnang babae

"Sa venue kung saan ginanap ang debu nilang apat" turo ni dad kina Angela na tinanguan ng tatlong babae.

"Wala pong problema, alam po namin kung saan yun" sabi ng nasa kanang babae.

"Salamat, salamat" sabi ni lolo Felipe na tumayo at nakipag kamay sa tatlo.

"Walang ano man po, mauuna na po kami" paalam nila na tinanguan nila dad kaya umalis na ang mga babae.

Napabusangot naman ako dahil hindi ko nasabi ang mga gusto kong mangyari sa party. Nakangusong naupo ulit ako saka tumingin kina mommy na nag-uusap.

"Medyo malaki na ng tyan mo" napatingin ako kay Lyra at sinimangutan sya.

"3 months palang naman pero parang 5 months na ang laki" sabi ni Althea kaya mas sumimangot ako.

"Baka kambal ang baby mo" sabi ni Kate kaya napaisip ako.

"Hey, girls" napatingin kami kay lola Lura, lola Arandelle at mommy ng magsalita sila.

"Sumama kayo saming mamili ng gown na susuotin ni Jk. We know na fashionista kayo kaya malaki ang maitutulong nyo" sabi ni lola Arandelle na tinanguan namin.

"Except for you, Claire. Maiiwan ka dito" sabi ni mommy kaya napatingin ako sa kanya.

"Pero mom, gusto ko pong sumama" sabi ko

"No! Puntahan mo nalang si Jk at libangin" sabi nya kaya napatango ako.

Kung makakasama ko naman pala sya edi magpapaiwan na ako.

"Wag na wag mong mababanggit ang preparation para sa debu nya ah. Madaldal ka pa naman simula ng mabuntis ka" sabi ni kuya Ace kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang pangit mo, unggoy" sabi ko na tumayo at lumapit kina mommy.

"Abat, hindi ako unggoy at mas lalong hindi ako pangit. Ang gwapo-gwapo ko kaya" sabi nya pero binilatan ko lang sya.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon