VLAD'S POV
"I gotta go" sabi ko at umalis ng garden na hindi hinihintay ang sasabihin nila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Hindi parin ako makapaniwalang kapatid nila Acere si Kulit. Yeah I prefer to call her 'Kulit' because that's what she is.Napahinto ako sa paglalakad at nilibot ang paningin saka napa tingin sa pinto. Hindi ko alam kung pa'no ako nakapunta sa rooftop at kung bakit dito ako napunta. Pero dahil nandito na din naman ako, pumasok na ako pero napahinto din.
Nakita ko si Kulit na nakahiga sa isa sa mga upuan na bakal. Ginawa nyang unan ang isa nyang braso habang ang isa naman ay pinantakip nya sa mata. Dahan-dahan akong lumapit sa harap nya at hinarang ang araw. Mukhang naramdaman nya na may tao dahil unti-unti nyang inalis ang braso na nakatakip sa mata nya at napa balikwas ng makita ako.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya na kunot ang noo.
"Walang may nakasulat na bawal pumunta dito" sabi ko pero rinig kong ang mahinang tawa nya. "What's funny?" kunot noong tanong ko.
"May accent kasi ang pagtatagalog mo... Halatang hindi ka lumaki dito sa Pilipinas" sabi nya na hindi naka tingin sakin.
"And so?" taas kilay na tanong ko.
"Taray nito, sungit-sungit pa" bulong nya na parang bata.
'Sh*t! Bakit ang cute nya n'ong bumulong sya?... Wait? WHAT? DID I SAY 'CUTE'?... No way she's not!'
"Why did you lie?" tanong ko na naupo sa kaharap nyang upuan saka tumingin sa kanya nang seryoso.
"Alam mo ba kung ano sila?" tanong nya na tinanguan ko. "Yon ang dahilan kaya ko binago ang surname ko" sabi nya
"Is it part of your plan to make them mad at you?" tanong ko
"Uhm" sagot nya na may kasamang tango.
"Did you wear the dress?" biglang lumabas sa bibig ko.
"Dress?" takang tanong nya
"The black dress" sabi ko
"Ahh, hindi! Hindi ko nga ginalaw 'yon ng makita ko na dress pala" sabi nya
"Stupid" inis kong singhal.
"Bakit ka naiinis dyan? Ina-ano kita?" naka ngiwing tanong nya.
"You should wear the dress, stupid" sabi ko
"Eh sa hindi ako mahilig at hindi sanay na magsuot ng mga gan'on eh" depensa nya
"Tsk" nalang ang lumabas sa bibig ko.
"Totoo naman talaga eh" sabi nya
"Will you just please say 'thank you'?" what the hell? Did I said 'please'?
"Bakit naman ako mag ti-thank you?" tanong nya
" 'Cause I bought you a dress?" patanong kong sagot.
"Sinabi ko bang bilhan mo ako ng gan'on?" tanongnya
"Just say thank you will you?" inis kong sabi
"Oh edi thank you" sarkastik nyang sabi.
"Say it again in sincere tone" utos ko
"Psh ang arte nito *bulong nya*... Ehem, thank you sa pagbigay ng dress" sabi nya na tumayo at yumuko pa na parang koryana.
"Good" sabi ko kaya nag-angat sya ng tingin saka umupo ulit.
"Eh Sungit este 'king' bakit mo ba binili ang dress at binigay sakin?" tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGIT
Fiksi Remaja(COMPLETED) √Ms.Makulit Na Misteryoso Meet Mr.Masungit Book 1 Babaeng masekreto pero mapagmahal at handang magsakripisyo para sa mahal nya. Ang inaakalang mahina ay may lakas palang tinatago at kayang manakit o pumatay na hindi nila inaasahan. Baba...