CHAPTER 35

2.6K 84 3
                                    

JK'S POV

Nandito na kami sa room ngayon at nakikinig sa prof na nag di-discuss. Kanina ko pa nararamdaman ang pag vibrate ng cellphone ko pero hindi ko matignan dahil baka mahuli ako ng prof at sabihing minsan na nga lang ako pumasok pag si-cellphone pa ang inaatupag ko. Last subject naman na namin sya eh bago mag lunch break kaya hihintayin ko nalang.

*CRINNGGG* CRINNGGG*CRINNGGG*

"Ok, class dismiss" sabi ng prof at lumabas.

Nag-ayos na kami ng gamit nina Angela habang ang ibang kaklase namin ay lumabas na.

"JK" napatingin ako sa labas ng room namin ng may sumigaw ng pangalan ko. Pati mga kaibigan ko napatingin din sa pinto.

"Si Gerald" sabi ni Angela

"Kita ko nga" sabi ko at tumakbo na kay Gerald bago pa nya ako mabatukan. "Oh bakit?" tanong ko ng makaharap ko si Gerald.

"Si Claire kasi eh" kinakabahang sabi nya kaya kinabahan din ako.

"B-bakit? Anong nangyari sa kanya?" alalang sabi ko

"Tumawag sya sakin at gusto ka daw nyang makita. Nagpupumilit na pumunta dito" sabi nya

"Kala ko naman kung ano na ang nangyari" naka hingang sabi ko.

"P-pero nasabi nya sa pamilya mo na gising kana" mabilis na napatingin ako sa kanya pero naka yuko sya. Nabalik ang kaba ko pero mas dumoble.

"Patay na"-sabi ko

"Talagang patay ka" sabi ng boses lalaki sa likod ko na kilala ko.

Ramdam kong dalawa sila ang nasa likod ko habang ang mga kaibigan ko nasa gilid. Humarap ako sa dalawang taong nasa likod ko at nakita ko ang malamig na tingin nila sakin.

'Na letse na'

"A-ahh hehehe hello" pilit na ngiting sabi ko at nag hello sign.

"You're awake" malamig na sabi nila.

"Hehehe hindi pa" sabi ko kaya sinamaan nila ako ng tingin.

"Uuwi na tayo" sabi ni kuya Acere na hinawakan ako sa pulso at hihilain na sana.

"Ohhhhh, oh, oh, oh, sandali lang may klase pa ako. Tyaka may bahay din ako" sabi ko at kumawala sa pagkakahawak ni kuya.

"U-u-wi-na-ta-yo" matigas na sabi ni kuya Ace at sya naman ang humawak sa pulso ko.

"Waaaaahhhhh, Angela, tulong mga baliw" sabi ko ng simulan akong hatakin ni kuya Ace.

Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nya at napa hiyaw nalang ako bigla ng may biglang nagbuhat sakin na parang sako.

"Tss, kaya ko namang maglakad eh" sabi ko

"Tsk, nagpupumiglas ka pa kasi" sabi ni kuya Ace na nakangisi sakin.

"May klase pa ako" sabi ko na parang bata.

"Walang klase sa tatlong subject kaya hindi mo kami matatakasan, bunso" sabi ni kuya Acere na syang may buhat sakin.

"Tss, may mga kasama ako" sabi ko

"Wag kang mag-alala, susunod ang mga yun" sabi ni kuya Ace

"WAAAAHHHH, JK" sigaw ni Aless na tumatakbo papunta samin.

"JK, SASAMA KAMI" sigaw ni Jake na tumatakbo din.

Halos silang mga kaibigan ko tumatakbo para humabol samin pero bakit may kulang? Asan si Sungit? Si Dee at si Lance? Hindi pa sila sasama?

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon