Kabanata 20

388 27 3
                                    

Kabanata 20


HINDI ko kilala ang Maid of Honor ni Mill.

Ayon sa kaniya, childhood friend niya daw. Si Brittany. Nagkakilala na rin kami sa brunch kaninang umaga. Doon ko rin nakilala ang yummy na kapatid ni Max. Si Kuya Juaj. Hindi lang ako makagalaw dahil ang lamig ng pakikitungo ni Russell sa akin. Miski ‘hi’ tuloy hindi ko magawa.

Gusto ko ngang makipagshakehands. Mahawakan ko lang ‘yong kamay niya. Kaso napaparanoid ako. Naiimagine ko ‘yong mga mata ni Russell.

Pakiramdam ko, kapag lumapit na naman ako sa iba, gagawin ulit niya yung ginawa niya doon sa lalaki kaninang umaga. E, halos hindi na nga iyon makatayo. Parang lantang gulay na nang hilahin ng mga kaibigan palayo.

O, siguro, it wasn’t the idea of me terrified of what he can do.

Maybe, I was guilty. I never knew I’m even capable of being so.

Siguro, guilty ako kasi napalabas numiya yung animal side niya in that way nang dahil sa kapusukan ko.

Napabuntong-hininga ako habang pinapanood si Mill at Max na magsuotan ng kanilang singsing. Hindi ako bridesmaid. Kasama ako sa audience.

Mayroon kasi kaming kasunduan noong college. Alam ko, kakatayo pa lang ng club noon. Dahil sa club naman talaga kami naging magkakakilala. Ni hindi ko pa kilala si Mill noong lapitan niya ako at yayain sa grupo niya.

Nagbunutan pa kami. If ever na ikakasal na, since ang tibay ng bond namin noon. Napag-isipan naming magtake-turns sa pagiging bridesmaid. Nabunot ko si Jade at Alyn. Sa kasal ng dalawa, pareho akong bridesmaid. Si Mill naman, ang kaniya ay sila Sendra at Alyn.

Umiyak pa nga noon si Sendra. Gusto niya ring bridesmaid si Mill, para palitan sila. Kaso, bridesmaid na siya nila Alyn at Jade. Si Sendra naman, nabunot niya si Mill at ako.

Nakakatawa lang habang iniisip ko. Kasal ko? Imposible. Mukhang ito na ang huling beses na magiging bridesmaid siya. Hindi ko naman nakikita ang sarili kong magpapatali sa lalaki dahil sa pagmamahal.

Katabi ko si Jade sa bandang likod. Isa pa si Jade, hindi rin pala kibo. Napaka tahimik. Kung kakausapin mo, tipid lang rin ang salita.

Nilingon ko siya sa tabi ko. Busy ang gaga sa pagpipindot sa cellphone niya.

Nakisilip ako.

Nakita ko agad ang pangalan ng kausap niya.

God Almighty

Pinigilan kong tumawa sa nickname ng lalaki. Napansin kong guwapo at hot ito. Nakatopless pa, at halatang may abs sa retrato. Mukhang model.

Halos mamula ang mukha ko nang makira ang huli niyang message.

Jade: SEND ME PIX OF YOUR UNDERWEAR NOW

Jade: AND PLEASE WEAR MY BRA AND TAKE A PIC

Tumikhim ako. Pinigilan ang pagtawa ko, ngunit lumabas pa rin iyon sa bibig ko. Napalingon agad siya sa akin. Tinakpan niya ang cellphone niya nang marealize niyang binabasa ko ‘yon.

"Lussi!" reklamo niya at saka ay maloko akong tinulak.

Tinawanan ko lang siya. "God Almighty, ha?"

Napailing siya agad. "H'wag ka nga." aniya at tinulak-tulak akong muli.

"Model?" tanong ko, "Baka poser 'yan. Dummy account."

Inirapan niya ako. Tinawanan ko naman siya.

"Hindi siya poser. Model talaga 'to. Model ng underwear." depensa niya.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon