Kabanata 24

350 25 0
                                    

Kabanata 24


Noong bata pa ako, ang tangi ko lang naaalala ay ang katotohanang pinagpasa-pasahan kami ng mga kaanak namin.

Apat ang mga kapatid ni Papa. Idagdag pa si Betty Mae, ang ampon namin tiyahin na sumakabilang-buhay na.

Walong taon kaming palipag-lipat ni Nel. Kada matatapos ang taon, nasa kabilang pamilya na kami. Doon na rin kami nagse-celebrate ng New Year.

Isang taong gulang ako, doon kami sa poder nila Tito Glen. Pangalawang taong gulang ko, sa susunod na pamilya, hanggang sa mapagpasahan na kami. Tapos, ikalimang taon ko, bumalik kaming muli sa poder ni Tito Glen.

I was anxious growing up. Kaya napaka ilag ko sa tao. Hindi ako marunong magsalita, hanggang sa magwalong taong gulang na ako. Uutal-utal, kaya minabuti kong huwag nang magsalita.

Takot ako sa mga kamag-anak namin. Lalo na sa mga tiyuhin kong basagulero na ay lansinggero pa.

Si Tita Esme ang pinaka ayaw ko sa kanilang lahat.

Ang asawa ni Tito Glen.

Buhay ang poot ko sa kaniya. Hindi ko na matandaan kung gaano niya kami inalagaan noon ni Nel, kung minaltrato ba kami. Wala na akong maalala doon. Kaya ko lang siya nakilala ay dahil sa mga boses sa isipan ko na paminsan-minsan ay bumabalik, sa tuwing nagbubungkal ako sa nakaraan.

Lagi kong naririnig ang pangalan niya. Palaging siya.

Esme.

Kaya noong nagpunta kami sa San Martin ni Nel, sakay ng Mahindra Enforcer, minabuti kong hindi na lumabas ng passenger seat. If obly I could just stay there. Pero siyempre, pinilit ako ng magaling kong kapatid na mainit pa rin ang dugo sa akin. Ni hindi nga kami nagkibuan on the way to San Martin. She refused to talk to me.

Sa tuwing magtatanong ako, she would huff at me. Kaya hindi na rin ako kumibo.

“Lussil?” kuminang ang mga mata ni Tita Esme nang makita niya ako at agad sinambit ang pangalan ko sa hindi kalayuan.

I don’t know why I knew it was her the moment I saw her face. Humigpit ang lalamunan ko. I heard the same drumming fingers at the back of my mind. Tila mabibingi ang tainga ko sa ingay niyon.

Esme is a petite woman. Maiksi ang buhok niya. I suddenly remembered fragments of her figure. She had a long hair back then, and she’s always slim though. Tall nose and pouting lips. Natural na maganda si Esme. Her breasts are round and big. I suddenly remembered her and Betty Mae were good friends back then.

I wonder if Tito Glen is too satisfied with his wife. Buti hindi pa rin sila naghihiwalay hanggang ngayon. If she’s single, maraming magkakandarapa sa kaniya.

“Lus?” tawag ni Nel sa akin at bahagya akong kinalabit.

Naglakad patungo si Esme sa amin.

“Tita Esme?” tanong ni Nel. Kunot ang noo, tila hindi sigurado sa binanggit.

Esme showed her perfect white teeth in a tight big smile. Hinila niya si Nel para sa isang yakap.

“Kumusta na kayo! Dalawang dekada na ba ang nagdaan?” sambit nito kay Nel.

“Tita, si Lussi!” turo naman agad ni Nel sa akin nang bumitaw sa kaniya ni Esme.

Nilingon niya ako. Mas lumawak ang ngiti niya sa labi at saka ako hinila papalapit sa kaniya.

She held me gently. Napaka lambot ng kamay nang lumapat sa likod ko. She squeezed both my arms as she hugged me. Hinalikan pa niya ako sa tuktok ng ulo ko. He breathed in, like she’s smelling me.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon