Kabanata 21

399 27 2
                                    

Kabanata 21

“MAY new tenant sa 203. Next floor mula sa atin. Naalala mo? Diba may umalis na tenant noong nakaraan.” bungad ni Nel sa akin nang sagutin ko ang tawag.

Kanina pa siya paulit-ulit tumatawag, at kanina ko pa siya paulit-ulit na binababaan ng tawag.

Nag-angat si Russell ng isang kilay sa akin. Inabot ko naman agad sa kaniya ang wedding bouquet at sinenyasan siyang huwag maingay.

Kami na lamang ang nasa labas ng wedding reception dahil sinagot ko na ang tawag ni Nel.

“Oh, anong paki ko? Nasa kasal ako, Nel. Walang kuwenta topic mo. Di mo maitext sa akin, kailangan tawag nang paulit-ulit?” puno ng iritasyon kong sambit sa kaniya.

I even anticipated na worse case scenario. Na kesyo, hospital na ang tumatawag gamit ang cellphone ni Nel dahil na-admit siya dahil bumara ang naputol na pipino sa hiyas niya dahil sa kapusukan.

Matutuwa pa ako kung ganoon ang nangyari, e. Na kesyo, sa wakas, natutunan rin niya leksiyon niya sa pagiging mapusok. But reality always kick expectation's ass. Ang gagang iyon talaga.

“Gago, sis, ang macho!” hiyaw naman niya pa. Hindi man lang pinakinggan ang reklamo ko sa kaniya. “Nakita ko kanina, basang-basa ang hayop. Napaka yummy. Nag-aayos ng sumabog na hydrant sa labas ng apartment. Sana bumbero, sis.”

Naipaikot ko na lang ang mga mata ko sa kaniya. “Maghanap ka nga ng kausap mo, Nel.”

Akmang ibababa ko na nang bigla siyang magsalita muli. Tila nagrarap, dahil alam niyang ibababa ko na ang tawag at mahihirapan ulit siyang pasagutin ako sa sunod niyang call.

“‘Wag ka na muna umuwi. Ikakama ko muna! Wag kang uuwi bukas, ha! Puputulin ko dede mo kapag nakita kita dito bukas!”

Ilang beses ko nang inimagine na pinuputol ko amg dalawang dibdib ni Nel at tinatanggal ang vagina niya sa katawan niya. If that is the only way para mapatigil siya sa kalibugan niyang taglay.

But I wasn’t pathological in that sense. Hindi naman ako sadista, and the thought just made me vomit. I treasure the delicate parts more than most people, because they're like gods to me.

Pero sa galit na mararamdaman mo kay Nel, makakagawa ka talaga ng bagay na malayong magawa mo dahil itutulak ka niya para gawin iyon. Ubos na ubos na talaga ang pasensiya ko sa kaniya.

“Uuwi ako kung kailan ko gusto.” tipid at malamig kong sagot at agad na binaba ang tawag, bago pa siya makapagsalitang muli at tuluyan akong mapa-oo.

Hinila ko na si Russell patungo sa loob pagkalagay ko ng cellphone sa pouch ko. Tumigil siya sa paglalakad bago pa man kami tuluyang makapasok.

“Bakit?” tanong ko agad.

He shook his head and smiled. He leaned in and gave me a peck on my lips.

“Dadalhin kita sa Maubido, one of these days.”

Nag-angat ako ng isang kilay sa kaniya. “Ha?” gulat kong tanong. “Maubido?”

Napakunot pa ako ng noo bahagya. Bakit naman niya ako dadalhin sa ethnic province?

“Oo,” aniya at umisantango. “Birthplace ko. Nandoon din family ko.”

Lalong bumaon ang kunot ng noo ko sa mukha ko, “Bakit mo ko dadalhin?” gulat kong tanong.

Ngumiti siya, “Para makilala ka nila.” aniya at hinila na ako ng tuluyan papasok sa loob ng venue.

Nagpatangay na lang ako. Napupuno ang isipan ko ng mga indigenous people. Kita ang mga puwet sa suot na bahag. Kaunti lang ang takip sa katapon. And then I envisioned Russell’s family in the same outfit, including Izzy.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon