Kabanata 11

570 24 1
                                    

Kabanata 11

“Bitiwan mo nga ako!”

MASAMA ang mukha kong hinila paalis sa hawak ni Russell ang kamay too. His grip was too tight. Nasasaktan ako. If he used this bedroom-wise, baka na-enjoy ko pa, pero hindi ako natutuwa sa inaasta niya.

He looked back at me. Nagliliyab sa galit ang mga mata niya. I’ve never seen him like that before.

“Bakit kasama mo ‘yon? Bakit may nangyayari sa inyo sa kotse niya?” nagtatangis ang mga bagang niyang tanong sa akin.

Agad umangat pataas ang ulo ko. Checking if there’s anyone eavesdropping on us from the next floor. Kitang-kita kasi ang bawat floor mula sa ground, hanggang ika-sampung palapag ng hagdan kapag tumingala ka. Wala rin namang elevator dito sa apartment building namin. I was also worrying na nag-aabang si Nel at nakatanaw sa amin. She isn’t, for my heart’s relief.

“Ano bang paki mo?” buwelta ko agad kay Russell, “Nasasaktan ka?”

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. There’s something he wanted to know. Or at least, wanted to ask of me. But he didn’t. His furrowed brows were washed away instantly. Like a sea calming after a wave.

“Ano bang meron tayo?” he asked instead.

There’s a glow in his eyes that made my stomach lurch. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya, dahil parang pinalamon na rin niya sa aking ang isinubo ko na sa kaniya.

I didn’t answer him. Tumingala lamang ako at saka ay tumitig sa kaniya upang magpang-abot ang tingin namin.

“Ano ‘yong mga nangyari sa ating dalawa nitong mga nakaraang linggo?” he asked again, determined to be answered. “Anong ibig sabihin nong three days na ‘yon sa kuwarto mo, Lussila?”

I remained silent.

“Open relationship ba ang gusto mo?” he asked yet again.

My heart started pounding on my ears. Pakiramdam ko ay mabibingi na ako sa lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Miski ang sintido ko ay tumitibok para sa kaniya. Ramdam ko ang pagcirculate ng dugo ko sa aking katawan.

But, still, hindi ako sumagot.

I waited for what he would do next.

Hindi ko rin naman alam kung paano siya sasagutin.

Alam ko rin sa sarili ko na kapag sinabi kong wala naman kaming relasyon, hindi na niya ako kakausapin. Alam kong kapag sinabi kong ang relasyon namin ay katulad ng sinabi ni Gio sa yacht, aalis siya. He was offended. Deeply wounded by it. and when that happens...

Worse case scenario as a result would be...

Magdadala siya ng babae niya sa apartment at magseselos ako. Araw-araw kong makikita ang katawan niya, pero wala na akong makukuha sa kaniya.

I don’t want that to happen. Hindi ko yata kakayanin ‘yon.

Ayaw ko rin namang ipilit na mayroong kami, dahil papaasahin ko siya sa wala, at magiging resulta lamang no’n ang nangyari sa relasyon namin ni Harold noon.

“Lussi, give me an assurance here. Umaasa ako.” aniya nang hindi pa rin ako magsalita. He adjusted his body, lowering down to meet my line of sight, “Lus, ano bang tingin mo sa akin?” he asked, his eyes searching for an evident answer in my eyes.

Eyes are the window of the soul. Ah, that saying.

“Tama na, Phylis!”

Nakarinig kami ng sigaw. May ilang yabag ng mabibigat na paa at hampas ng gulong ng maleta sa bawat palapag ng hagdan ang umistorbo sa amin.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon