Kabanata 23

353 23 2
                                    

Kabanata 23

NEL drummed her fingers on the sala table as she stared at me expectantly.

Alam ko na agad na hindi siya papayag na hindi ko ipaliwanag nang maayos sa kaniya ang nangyayari.

She's drumming her fingers against the hard table para ipakitang galit talaga siya sa akin.

She knew I hated that sound most among all in the world. Hindi niya ako sinakal o sinampal. What I would feel after is nothing compared to the frustration I'd feel if I hear her drumming her fingers. Lalo pa't ngayong hindi siya nagkuko.

Halos sumabog ang dibdib ko.

Gusto kong sumigaw sa kaniya.

Gusto kong putulin ang mga daliri niya para lang patigilin siya sa ginagawa niya.

Long silence.

My irritation and frustration grew as I heard nothing but her fingers against the hard table.

Para na akong mabibingi.

Nagsisimula nang magpawis ang likod ng mga tuhod ko at ang kanal ng ilong ko. I hated that sound so much.

Alam niya kung paano ako i-torture.

Panay ang kabog ng dibdib kong sasabog na. Humihigpit pa ang kapit ng invisible force sa leeg ko. Tila ako sinasakal. Pinapatay.

I hated that feeling.

The feeling of suffocation accompanied by the horrible sound of her drumming fingers.

Kapag hindi pa siya tumigil, I swear, makakapatay ako ng tao. Maiksi lang ang pasensiya ko.

Tumayo si Russell.

He was sitting on the far end space of the sofa, habang ako naman sa kabilang dulo. Nel made sure we would not be sitting beside each other.

Napatigil agad si Nel sa ginagawa niya.

Tila noon lang ako nagpasalamat ng sobra kay Russell sa isipan ko.

"I should leave you two be." aniya at saka bumaling sa akin upang tipid na ngumiti.

"Para makapag-usap kayo nang masinsinan."

Ngumiwi si Nel sa kaniya.

"Hindi, Russell. Dito ka. Makikinig ka. Magkukuwento ka sa akin." tutol ni Nel.

She motioned him to sit down again.

Russell obeyed him like some tamed puppy. Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga.

"Ano, stressed ka na agad? Hindi pa tayo nagsisimula!" buwelta naman agad sa akin ni Nel.

Nangunot ang noo ko.

Bakit kapag sa akin, tinotonohan niya ang boses niya, at kay Russell, ganoon pa rin ang pakikitungo niya? Bakit parang sa akin lang siya may kulo ng dugo.

"Nagsex na ba kayo?" ang una niyang tanong.

Namula ang mukha ni Russell sa narinig at agad nag-iwas ng tingin.

"Hindi." madiin kong sambit.

Nag-angat ng isang mataray niyang kilay si Nel. Hindi siya naniniwala, na tila ba alam niya kung gaano ako kapusok knowing about my 'sexual-satisfaction' incidents before, especially in college.

"H'wag mo kong gaguhin, Lussil. May nangyari na ba sa inyo?"

"WALA NGA!" napasigaw ko na lang na sagot, dahil iyon naman ang totoo.

I don't want to have sex with him. Ayaw kong ayawan siya, kaya hindi ako makikipagsex sa kaniya.

"Okay. Any sexual activity?" tanong muli ni Nel.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon