Kabanata 22

379 25 1
                                    

Kabanata 22


HINAPIT ni Russell ang bewang ko pagpasok namin sa madilim na apartment.

Alam ko na agad na wala si Nel dito, dahil binalaan ko na siya kanina sa text message na pauwi na kami ni Russell. Nag-alburuto pa ang gaga at pinaulanan ako ng hate messages. Hindi raw ako marunong maki-cooperate.

Ang bruha, akala mo naman may matinong ginagawa. Nakikipaglampungan lang naman sa lalaki. Mani, doon siya sa bahay no'ng lalaki humarot.

“Your foot.” mahinang bulong ni Russell.

I can tell that he's exhausted. Napaka haba ng biyahe at alas dos ng gabi na kami umuwi. Wala pa siyang matinong tulog.

Inangat ko agad ang booted foot ko, upang maabot niya. He immediately unzipped it, tapos ay hinila na niya ang sapatos paalis sa paa ko. He was moving way too slowly. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang tinatanggalan niya ako ng sapatos.

Gusto ko na rin matulog. Ramdam ko na ang hollowness sa ibaba ng mga mata ko.

“Your other foot.” he breathed again.

Ibinaba ko ang hubad kong paa, at saka itinaas naman ang isa pang nakasapatos. He did the same, unzipping and wearing it off.

Humalik siya sa tungki ng ilong ko pagkatapos.

“Matulog ka na sa kuwarto mo.”

Biglaan niya akong binuhat. His left arm on the back of my knees and his right arm on the back of my shoulders matapos niyang ibaba ang bag niya sa sofa. Nakasabit pa rin sa kaniya ang bag ko, at hawak pa rin niya ako sa braso niya.

“Where's your key?” tanong niya nang malamang nakabaon ang deadbolt sa likod ng pinto.

I sighed. Gusto ko nang makahiga sa kama ko.

“My left pocket.” bulong ko sa kaniya.

Inangat ko ang dalawa kong kamay at saka ay umakap sa kaniyang leeg. Ibinaon ko pa ang mukha ko sa dibdib niya upang amuyin ang mabango at lalaking-lalaki niyang katawan.

His hand on the back of my knee went on my left jean pocket. Masikip iyon at maliit, kaya hindi pumasok lahat ang kamay niya. Pero sinikap pa rin niyang abutin ang susi sa loob, gamit na lamang nag hintuturo at hinlalaki niya.

Mahina akong napasinghap ako. May kakaiba pakiramdam sa katawan ko nang itusok niya ang kamay niya doon. Agad ay nagtayuan ang balahibo ko. Ramdam ko ang pagdausdos ng balat niya sa balat ko, against the fabric.

“So, we never had sex, ha?” I asked so softly, my eyes widely staring at him.

“Yeah.” he whispered back and gave me a tight smile. “So, you have an ex?”

Kumunot ang noo ko sa kaniya. The whole trip he never mentioned Ferdie, not even for once. Not even a slip off his tongue. And now, he’s laying off his card?

“What’s your point?” I exhaled, trying to get a good look at his expression. His forehead creased, his eyebrows met. He’s studying mine.

This isn’t good.

Napakagat ako ng labi ko. Binuksan ko ang bunganga ko at saka kinagat siya sa kaniyang tainga.

Rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ni Russell kasabay ng paghiyaw niya sa gulat. Sinasabayan iyon ng kabog ng sarili kong puso.

“Lussil!” napasigaw pa siya sa gulat sa akin.

“Ano ba, ang ingay ninyo!”

Halos tumalon ako paalis sa mga braso ni Russell nang marinig ko ang iritasyon sa boses ni Nel. Nanggaling sa likod lamang namin. Nalaglag agad ako sa sahig, at tumama pa sa cabinet ang ulo ko. Napahiyaw agad ako sa sakit.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon