Kabanata 18

402 24 3
                                    

Kabanata 18


“WHAT happened to your nose?” tanong agad ni Mill pagbungad namin ni Russell sa tapat ng mesa nila.

Inilapag ni Russell ang dalawang bag sa hardwood floor. Umusog naman si Sendra sa tabi ni Ferdie upang mabigyan pa kami ng espasyo. Isang tao na lamang ang kasya doon. May kahon kasing nakalagay sa dulo. Kadadating lang rin ni Ferdie. He managed to give me a small smile when our eyes met. Binigyan ko lang siya ng tipid na tango, like how I would greet any other people.

I tugged Russell’s arm, at saka nginuso ang empty space sa tabi ni Sendra.

“Sit.” I simply commanded him.

Sumunod naman agad siya sa akin. Tapos ay hinarap ko na ang pamilyar na mukha ng mga college friends kong natipon sa mesa sa harap ko.

“Guys, si Russell.” sambit ko at saka tinuro ang maskuladong kasama ko.

Ngumisi sa akin si Alyn na katabi ni Jade na busy sa kaniyang cellphone. Alam ko na agad na sinesenyasan si Alyn ni Sendra. Napaikot ko ang mga mata ko.

Siya dapat itong nasa hotseat dahil magkatabi sila ng kinemeng ex niya.

“Bae ko.” tipid kong sambit at saka nilingon si Russell at saka kinindatan. Tapos ay naupo ako kaagad sa lap niya.

Naramdaman ko agad ang umbok ng alaga niya, idiniin kong puwet ko sa pag-upo. Narinig ko ang mahinang pag-groan niya sa tainga ko.

“Don’t.” he whispered so softly, I almost didn’t catch it.

I immediate rose up a bit, to release the tension against the fabrics we’re wearing, and then lightly sat on his lap. Para pahingahin rin siya. Ipinihit ko ang tingin ko sa mga babae kong kaibigan.

“Kaya walang manlalandi diyan, ha. Gilitan ko kaya isa-isa ng tinggil diyan.” pananakot ko.

Humalakhak sila Mill, Sendra, at Alyn. Nag-angat naman ng tingin si Jade upang obserbahan ang nangyayari. Habang napatitig naman si Max sa akin nang nanlalaki ang mga mata. Tapos ay naglingunan ang ibang tao sa resto, glaring at my blunt words.

“Gusto niyo rin?” mayabang kong tanong sa kanila, at agad na silang bumalik sa kaniya-kaniya nilang buhay.

“Hey, calm down.” narinig kong bulong ni Russell sa likod ko. Nilingon ko siya at nginiwian.

“I have a temper. You should know by now, if you want to date me.” madiin kong sambit sa kaniya.

Namilog ang mga mata niya. His lips curved a smile.

“We’re dating?” he asked me.

Inirapan ko siya. “Ayaw ko nang tangang boyfriend.” sambit ko pabalik at saka ay humarap na sa mga kaibigan namin.

Napakurap ako ng mga mata nang marealize ko ang ginagawa ko. Why am I even attempting to rub off the line between me and Russell? Bakit ngayon, at dito pa sa event na ito ko ililinaw sa kaniyanh kami na? What’s wrong with me?

Everything’s just coming out of my mouth, like I’ve no control of it.

“So, Russell, when did you two meet?” tanong ni Mill.

Kumunot agad ang noo ni Ferdie. Tahimik lang siyang kumakain sa gilid, sa tabi ni Sendra.

“Hindi ba, dapat, si Mill at Max ang topic natin kasi ikakasal sila?” reklamo ni Ferdie.

“Bitter.” bulong naman ni Sendra.

“So, Russell... answer.” udyok naman ni Mill at saka naglean in sa mesa. Magkahawak sila ng kamay ni Max at kaharap namin.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon