Kabanata 39

399 22 6
                                    

Kabanata 39

SIMULA noong unang beses na may nangyari sa amin ni Russell... pakiramdam ko ay nag-iba ang aura sa paligid ko.

Hindi ko maintindihan... imbis na lumayo ako, o maumay dahil sa pangyayari, tila lalo akong na-hook sa kaniya. Gusto ko, lagi siyang malapit sa akin. Gusto ko, lagi siyang nasa paningin ko.

I would sit on his lap whenever we're on the sala set watching television. I would rub my toe on his leg whenever we're eating dinner and I'm sitting across from him. As much as possible, nakadikit ako sa kaniya. I was drawn to him in that extent. And I wasn't even tired with him.

Ito siguro iyong sinasabi ng cliche na 'You complete me.' He was like that piece of a puzzle that was missing from me. And I just feel too empty whenever... he's gone. I wouldn't even realize it soon had he never...

Namula ang mukha ko, lalo na nang maalalang may nangyari na naman sa amin kagabi. Kinagat ko ang ibaba kong labi at saka hinawi sa isipan ko ang magandang alaala. Masyado akong nagiging masaya. Hindi healthy, baka bawiin agad sa akin.

Bumaba ako sa hagdan. Rinig ang bawat yabag ng paa ko aa tahimik na sala. Each of my descending steps echoing on the whole room. Walang tao sa sala. Wala na rin si Russell sa tabi ko nang pagbangon ko, kung kaya't nagmadali akong kumilos upang makababa agad.

Nakarinig ako ng ingay sa kusina. Tunog ng mga plato na inilalagay sa glass table. Nagmadali akong nagtungo doon.

"Hi?" bati ko sa babae na hindi pamilyar sa akin. She was wearing a pink and white polka dots apron.

Umangat ang ulo niya at saka tumingin sa akin. Sandaling kumunot ang noo niya nang makita ako, at saka ito napawi nang may mapagtanto.

"Lussila!" she chimed, her voice lilting.

Familiar, though. I ask I already heard it somewhere back in the past...

Wait-

She knew my name!

There is that unsual sunny disposition. I was blinded by her bright smile. Binitawan niya ang hawak na spatula at saka nanakbo papalapit sa akin upang yakapin ako. Salita siya nang salita habang yakap ako. Ni hindi ko na maintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

What?

She hugged me tightly that I felt her chest on mine. Her nipples were too hard, she wasn't even wearing a bra. I gulped. Who the hell is this woman?

"Baby?" narinig ko ang boses ni Russell nang buksan niya ang front door. Instantly, nakalingon na siya sa direksiyon namin sa breakfast bar. Agad napawi ang kung anong emosyon sa mukha niya, at napalitan ng blankong façade.

Baby?

"Yes?" sabay naming tugon ng babae na ikinakunot ng noo ko.

Bumitaw agad ang babae sa akin at walang anu-anong nanakbo patungo sa kinatatayuan ni Russell. She rushed too hard, animo'y nasa isang karera sa tulin ng takbo.

Who the fuck is that woman?

Napanganga na lamang ako nang lumundag ito payakap kay Russell. Ipinulupot ang dalawang hita sa kaniyang bewang at mga braso sa kaniyang leeg.

"Russell!" masigla niya sigaw at saka ibinaon ang ulo sa leeg ni Russell.

Kumunot agad ang noo ko as I stared at her hugging him too tightly. My lips left a bitter smile as I analyzed what's happening. The woman had no bra on! Russell must be feeling the same

"Baby." sambit muli ni Russell. So he meant her? Bali ang ngiti ng hunghang at saka ay yumakap rin sa dalaga. "Kailan ka pa umuwi?"

Napahalukipkip ako habang nakatitig sa dalawa. Blanko ang tingin pero alam kong umuusok na ang ilong ko. Wala akong naiintindihan sa nangyayari.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon