Kabanata 25

311 23 1
                                    

Kabanata 25

“ARE you okay?” Nel asked again for the nth time since we drove away.

Nakilala ko pa ang dalawa naming kamag-anak, at tumigil pa kami sandali sa puntod nila mama at papa.

In the end, si Tito Glen din ang nakasama namin patungo doon dahil nahila ng ibang bisita si Esme at hindi na pinakawalan.

As much as gusto niyang siya ang magdala sa amin ay wala siyang magawa. She made me and Nel promise her na babalik kami ng bahay.

Hindi ako sumagot, pero si Nel ay bali na lamang ang tango nang bumaling na sa kaniya ang tiyahin namin.

“Kahit anong mangyari, huwag mong hahayaang lapitan ka ni Esme nang kayo lang sa kuwarto.” bulong ni Tito Glen sa akin.

Tumayo na siya mula sa bermuda grass. Kanina pa kami nakasalampak sa tapat ng lapida nila mama at papa. Tumayo na rin ako at nagpagpag ng puwetan ko.

“Bakit po?” tanong ko naman sa kaniya.

Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Wala si Nel noon. May nakita siyang sorbetero sa labas ng burol na sementeryo kaya hinabol niya. Naiwan kami ni Tito Glen sa tapat ng lapida.

Bumuntong-hininga ang matanda. Binigyan niya ako ng tingin. Tingin na katulad ng tingin na binigay niya sa akin noong unang-beses niya akong makita.

“Akala ko hindi na uuwi ‘yon dito, e. Matagal na naming tinalikuran ang isa’t-isa.” sambit niya.

Inabot niya ang batok at saka siya kumamot. “Naalala mo noong tinanong ninyo ako kung kumusta na siya?”

Bahagya akong tumango sa kaniya. Pinagmamasdan ko ang kilos niya. Umubo-ubo siya. May hawak siyang panyo na agad niyang itinakip sa kaniyang bibig. Tapos ay hinagod-hagod pa niya ang dibdib niyang tila ay naninikip.

“Okay lang ho ba kayo?” tanong ko sa kaniya.

“Matagal na kaming naghiwalay ng Tiya Esme mo. Nagulat ako nito lang nang balikan niya ako. Ta’s nagpakita rin ngayong fiesta. Kung alam kong dadating siya, ay sana hindi ko na kayo inimbitahan.” aniya matapos ang pag-ubo.

Ipinihit niya ang tingin sa gate ng burol na sementeryo. Wala pa rin si Nel.

Napuno ng tanong ang isipan ko. Nangunot pa ang noo ko sa sinabi niya.

Kung alam kong dadating siya, ay sana hindi ko na kayo inimbitahan.

Anong meron?

Miski ang mga sinabi ng ale sa akin kanina ay sariwa pa sa isipan ko. Posible kayang may koneksiyon iyon sa sinasabi ni Tito Glen?

“Marami rin akong kasalanan sa inyo ng kapatid mo.” panimula niya muli at tipid na ngumiti.

Rin.

Sinabi niyang ‘rin’. Ibig sabihin ay mayroon pang taong may atraso sa amin ni Nel. May isa pa... o marami.

My curiosity began to strike. Pakiramdam ko ay hindi ako matatahimik kapag hindi ko nalaman ang sagot. Anong meron?

“Medyo bata-bata pa ako no’n. Ang lakas ko pang uminom. Naaalala ninyo pa bang lagi ko kayong napagbubuhatan ng kamay?”

Halata sa mukha ng tiyuhin ko ang pagkamuhi sa kaniyang sarili.

Umiling ako sa kaniya. Wala na akong naaalala sa nakaraan. Tila ba noong kinuha kami ni Betty Mae, nagbago ang mundo ko. Na kusa na lang natanggal lahat ng alaala ng nakaraan sa akin.

Pero na lang sa boses sa utak ko.

Boses na hindi ko kilala.

Marahan akong napapikit. Nagsisimula nang tumibok nang mabilis ang puso ko. Wala ang higpit sa lalamunan ko, pero nanlalamig ang mga kamay ko.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon