Kabanata 29

272 25 2
                                    

Kabanata 29


SO far as I can remember, ang unang beses na naglaba si Russell ng mga damit namin ay iyong unang beses na halos magpatayan na kami ni Nel sa sala.

"Ayoko ngang maglaba. Mani, ikaw! Nakatengga ka lang diyan, wala ka namang racket!" iling ko sa kaniya noon at saka dinuro-duro ko pa siya.

Inangatan niya ako ng kilay. Nameywang pa siya sa harap ko. Nasa kitchen si Russell noon, nagluluto.

Malakas rin ang ingay ng telebisyon, idagdag pa ang malalakas na sigaw ni Nel sa akin, kung kaya't sinigawan ko na rin siya.

"Ang kapal ng mukha mong animales ka!" sigaw ni Nel pabalik.

Nakakuyom pa ang mga kamay niya sa akin na parang anytime ay aambaan na niya ako ng suntok.

"Ako pa makapal ang mukha?"

Tumayo na ako noon. Napuno na ako sa kaniya.

Naalala kong tinulak ko pa siya sa dibdib niya.

"Kung hindi dahil sa kalandian mong haliparot ka, edi sana may mga tinuturuan pa rin akong bata! Dagdag income 'yon, Nelissa! May pangbayad tayo sa labandera!"

Nalukot ang mukha niya sa mga sinabi ko.

"Sa tingin mo, I'm not making money as much as you do?!" sigaw niya sa akin.

Binigyan ko siya ng malamig na tingin. Lalo siyang nanggigil sa akin at saka doon na sumugod. Hinila niya agad ang buhok ko, dahilan para kalmutin ko siya agad. Doon na kami nagsimulang magrambulan.

Nagkauntugan pa kami sa sala table.

Nagsimula nang dumugo ang ulo niya dahil siya ang unang bumagsak. Nagasgasan naman sa salamin ang noo ko. Dumaplis at saka ay nagdugo na rin, sa talas ba naman ng edge ng glass na sala table.

Hindi alam ni Russell na nag-aaway na kami dahil may nakapasak palang earbuds sa tainga niya. Napansin na lang niya kami na nagdadaganan sa carpeted floor noong natapos siyang magluto.

Napasigaw pa ang gulat na gulat niyang mukha, dahil nagpagulong-gulo na kami ni Nel sa sahig.

Kalat na sa flooring ang mga magazines. Tapos may isang vase na nabasag. Ganoon kalutang si Russell para hindi kami mapansin agad. At ganoon rin kalakas ang silver screen noon at ang earbuds niya, para sapawan ang ingay naming dalawa.

Umaagos na ang dugo mula sa noo kong lalo niyang pinupuruhan. Tumulo na rin sa ilong niya ang dugo ko noong daganan ko siya at pagsasampalin.

Napakalakas ng sigaw ni Russell noon sa gulat. Madapa-dapa siyang nagtatakbo papalapit sa amin at agad kaming pinaghiwalay. Umiyak sa kaniya si Nel.

"Tignan mo kung gaano kademonyo 'yang kapatid ko!" sigaw niya at saka ako dinuro-duro.

Nginiwian ko lang ako. Ako itong badly wounded, pero siya ang malakas ang iyak. Lagi siyang ganiyan, simula pa lang noong mga bata kami. Immature talaga kahit kailan. Partida hindi pa ako masalita noong bata ako, ha.

"Ano bang pinag-aawayan ninyo?" tanong niya, hinahabol pa ang hininga ng lapitan ako.

Sinapo niya agad ang nagdudugo kong noo, bago nilingon si Nelissa.

"Tignan mo, o. Sumisirit na ang dugo ng kapatid mo." suway pa niya bago ako hinila patayo.

Ngumuso si Nel, "Ikaw na maggamot diyan sa animales na 'yan." aniya at saka ay dumiretso sa sink.

Hinila naman ako ni Russell sa comfort room para gamutin ang noo ko.

"Anong pinag-awayan ninyo?" concern ang tono niya nang ibaba niya ang first aid kit.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon