Kabanata 32

279 21 2
                                    

Kabanata 32


“OH, h’wag mong sasabihing pag-aawayan pa natin Lussi, kung sino ang maglalaba niyan?”

Nakahalukipkip pa si Nel sa akin nang ituro niya ang panibagong bundok ng maruruming damit na nasa gilid ng sink sa banyo.

Inangatan ko siya ng isang kilay.

“Ako ba ang kausap mo?” I asked her. Itinuro ko pa sa kaniya ang sarili ko.

Nalukot ang mukha niya sa sagot ko.

“Ano, kakaawayin mo pa ako, Lussila? Hindi na nakatira si Russel dito. Wala na tayong katuwang sa mga gawaing bahay.” litanya na naman niya.

Sinabayan ko pa nga ang gaga sa mga huling salitang binigkas niya. Paano ba naman, paulit-ulit na niyang ginagamit sa akin ang mga salitang ‘yan. Tila isang magic spell para pakilusin ako. Akala naman niya, may epekto sa akin.

Sinipat ko ng tingin ang bundok ng mga tee shirts, dress, at ilang undergarments sa gilid ng lababo. Bakit ba kasi hindi na lang bumalik si Russell dito?

Okay na naman kami, pero mas pinili pa rin niyang doon na daw sa unit niya mamalagi. Para daw may private space kaming magkapatid. It turned out, hindi naman pala talaga nagbabayad ng renta si Russell dito. Na kesyo, pabigat lang daw siya dito.

Nel refused to get his payment montly, so what he’ll do is spend his money to buy groceries. Kaya laging puno ng pagkain ang ref noong nandito pa siya. Iyon na lang ang ginagawa niya para makapag-ambag pa rin siya. Masyado kasing santa ang kapatid ko.

Napangiwi na lamang ako sa kaniya.

If Russell was here, mas madali ang buhay, e.

“Oo na.” I snorted.

Wala na akong magawa, Ang persistence ni Nel, minsan, talagang ingungudngod niya sa iyo. At wala ako sa huwisyong i-deflect ang mga ibabato niya sa akin.

Isa pa, ang boring lang talaga kapag wala si Russell.

Ngumisi ang hayop sa sagot ko. Lumapit ito sa akin at saka ay humalik sa pisngi ko. Hinaplos-haplos pa nito ang ulo ko. Binigyan ko lang siya ng matalas na tingin.

Ngumiti lang ang gaga sa akin, at unti-unting tinanggal ang kamay niya sa akin, na tila napahiya. Inirapan ko na lang siya.

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto.

Halos maghuramentado agad ang puso ko nang unang pumasok si Russell sa isip ko. Nagkatinginan kami ni Nel.

“Isusumbong kita kay Russell! Inaalila mo ko dito!” sigaw ko sa kaniya at saka ay nagtatakbo ako papunta sa pinto.

Hindi nagpatalo si Nel. Nakalimutan kong runner ito ng Track and Field noong Highschool. Halos hilahin niya nag buhok ko nang maabutan ako.

Nagtulakan kami hanggang sa makapuntang front door. Sinipa ko siya agad, at dinakot naman niya ang damit ko. Hinila niya iyon ng buong lakas.

I immediately heard the ripping sound. Naramdaman ko rin ang pag-snap ng bra ko sa loob.

“Tangina ka talaga!” dinuro-duro ko siya sa inis at saka ay inangat ang nasira kong manggas. Nahati na ang damit ko sa likod.

Ngumisi siya at saka ako tinulak bago niya binuksan ng pagkalaki-laki ang pinto. Dumausdos agad ako pababa sa sahig nang puwetan nang may buong puwersa sa balakang ko.

“Tangina, Nel!” malakas kong sigaw nang bumagsak sa semento ang mukha ko.

Agad na hinila ko ang binti niya nang malakas para bumagsak rin siya sa tabi ko.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon