Kabanata 28

287 22 2
                                    

Kabanata 28


ISANG linggo na ang nagdaan nang umalis si Russell sa apartment.

Tinotoo niya. Akala ko hindi siya aalis. Ever since he walked out the door that night, natahimik ang buong apartment.

Isang linggong hindi nabuksan ang telebisyon, dahil wala namang nanood sa amin ni Nel.

I never thought it would be this sad and lonely. Napatitig ako sa kitchen aisle, wala ang anino niya doon. Hindi ko makita ang malapad niyang katawan na nakalikod sa akin, at nakasuot ng pink na apron.

Napabuntong-hininga ako.

I was thanking God, though. Hindi nagsalita si Nel sa akin ng kahit ano. Hindi niya ako masermonan na katulad ng dati, dahil naaawa rin siya sa kalagayan ko.

The nightmares are back?

I could recall the horror in her voice when she asked me that. I did not respond to her, but the look in my eyes was enough an answer for her.

May kumatok sa pinto.

Agad akong napalingon doon, pero hindi ako tumayo. Nasa comfort room si Nel, naliligo. Hindi ko naman siya puwedeng hintayin para siya na mismong ang magbukas ng pinto. Lalo na’t kapapasok niya lang ng kubeta.

Kumatok iyong muli.

Russell?

Kumabog agad ang dibdib ko nang banggitin ko ang pangalan niya sa isip ko. Walang araw sa buong linggo na hindi siya nasagi sa isip ko. Nasaan na kaya siya? Saan siya nanuluyan sa buong isang linggo?

Kumatok ulit ito.

Tumikhim ako at saka hinila ang sarili ko patayo. Humugot ako ng malalim na hininga at tinahak ang daan patungo sa front door. I didn’t even bother to peak at the peephole. Pinihit ko agad ang seradura ng pinto at saka ito hinila pabukas.

“Samgyeop House delivery. For Nelissa Gozum?” anang delivery man pagbukas niya sa pinto.

Napapikit ako sandali para sermonan ang sarili ko. Of course, it’s not Russell. You two broke up, bakit mo pa siya hahanapin?

“Naliligo. Ako nalang ang magre-receive.” tugon ko.

Tumango kaagad ang lalaki at inabot sa akin ang clipboard na nakaipit sa kili-kili niya kanina.

Nakalagay doon ang makapal na receipt. Pinirmahan ko iyon at pinunit niya upang iabot sa akin. Nagbayad si Nel on line gamit ang credit card niya.

You wouldn’t even believe technology’s new and easier ways nowadays.

Isinara ko ang pinto at dinala na ang pagkain sa sala. Buong linggo ay doon na lang kami kumakain. Wala na kasing amour sa pagluluto si Nel.

Nasanay na kami sa luto ni Russell, at nasanay na rin kaming hindi kumikilos sa bahay. Si Russell ang nagtatrabaho ng mga gawaing bahay. Siya ang nagluluto, naglilinis, at naglalaba.

Lagi lang akong nakamukmok sa kuwarto, at laging naghahabol ng racket si Nel. Kung kaya’t worn out na siya kapag umuwi ng bahay. Hindi naman nagrereklamo si Russell. He even loved doing the chores, and he’s so good in it.

“Snap out of it! Gutom na ako, Lussil!” sigaw ni Nel sa akin at pumitik-pitik pa sa mukha ko. Inagaw niya agad ang plastic sa akin. Nginiwian ko na lang siya.

Kalguksu, o Korean noodle soup, naman ang hapunan namin ngayon. Unang inilabas ni Nel ang kimchi na inamoy niya pa. Nilalasap animo’y takot kapag naubos. Napaka hilig niya diyan.

Hinayaan ko na lang siyang ihanda ang mga disposable bowls sa sala. She snapped the bamboo chopsticks into two and handed it to me. Binuksan niya na agad ang bowl at nagsimula nang kumain.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon