Kabanata 27

303 22 3
                                    

Kabanata 27


HAVING Russell sit beside me was never awkward.

Not until what happened last night.

I purposely distanced myself to him, noong bumangon ako sa higaan kaninang umaga at saka ay lumabas ng kuwarto upang kumain ng agahan.

He immediately noticed when he put the tea beside my plate. He even leaned in to kiss my temple pero agad kong inilayo ang ulo ko. I was suddenly dreading each of his touch. It was too delicate and soft—I can’t handle it. Nangangatog ang tuhod ko at sumisikip ang lalamunan ko tila may sumasakal sa akin.

Napakurap siya tapos ay bahagyang tumango at sinimulan na ang pagkain niya.

Gusto kong sapakin noon ang sarili ko. I longed to touch him. I longed to kiss him, tapos ito ako ngayon, I can’t even stand him getting this close to me. Nagtatayuan ang balahibo ko—at hindi sa magandang dahilan.

Hindi arousal.

Takot.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot sa kaniya, biglaan.

Balak ko pa sanang magkulong sa kuwarto buong maghapon, matapos ang puno ng tensiyon na agahang iyon. Nel was observing us. Maya’t-maya ay titikhim sa amin at magsasalita.

Kesyo, “Russell, hotdog pa.”, o kaya, “Lussi, dagdagan mo pa kanin mo. Ang payat mo na.”

I planned to skip my lunch at matulog buong hapon, kung hindi lang tumawag si Julia. Ang personal assistant ni Izzy. She informed me right away na makikipagkita si Izzy sa akin ng lunch. She also told me na doon na rin ako kumain ng tanghalian.

I was relieved at first. At least, makakaalis ako dito sa apartment. But fate wasn’t in favor of me today. Of course, Russell was asked to come as well dahil parte siya ng grupo. And she’s his fucking brother! Of course, he knew!

Ako, si Izzy, at siya.

Gusto ko na lang mamatay para matapos na ang stress na ito sa buhay ko.

“Have a seat, you two.” sambit ni Izzy sa amin nang pumasok kami sa private booth ng resto na pinili niya.

Sabay kaming dumating ni Russell, sakay ng Mahindra. Wala na rin naman akong nagawa. Nel asked me to ride with Russell para tipid sa pamasahe. Piningot pa niya ako at sinabihang huwag umarte.

I can’t understand her personality, though. Nito lang galit na galit siya. Gusto niyang layuan ko si Russell. Tapos, ngayon, siya itong pinapadikit ako sa kaniya. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip ng isang iyon.

Tinanggal ni Izzy ang shades na suot at saka ipinasok iyon sa kumikinang niyang golden pouch na nasa glass table.

Russell pulled the first chair and turned to look at me.

“Take this.” tipid niyang sambit sa akin.

Hindi niya ako tinignan. He was only trying to be polite. Parang tinusok ang puso ko nang makita ko ang hitsura niya. I think he’s pissed at me.

Hindi na ako tumanggi pa.

“How sweet.” kumento ni Izzy sa amin at saka ngumisi. Nagmamasid pala ang lintek.

Hindi ko pinansin ang side-comment niya. Naupo na ako sa bangkong hawak ni Russell. Naupo naman siya sa katabi kong silya.

“Your relationship will be in handy for my concert tour.” dagdag pa ni Izzy. “Kuya,” dagdag pa niya sabay kindat.

Kumikinang ang mapula at glossy niyang labi sa pagngiti niya. Nakapatong ang baba niya sa magkasalikop niyang mga kamay.

“Sasama kayo sa tour ko sa Korea next month. We’ll use the RV.”

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon