Kabanata 37

323 22 3
                                    

Kabanata 37

RUSSELL stared at me. His eyes were lit with certain fire.

“How could she do that to you?” he asked, his voice panicking when I finally told him everything that I remembered.

Nasa labas kami ng cabin, kung saan niya ako hinila kanina para taguan ang nga Tawali. Tawali daw ang tawag sa mga mamamayang nakatira dito sa isla ng Tawala.

Inilapag niya ang umuusok na tsaa sa maliit na mesang bato sa harap ko. Nakaupo kami sa maliit na veranda sa likod ng cabin, kung saan saklaw ang buong karagatan. And then he proceeded to getting the comforter. He immediately wrapped it around me.

Mahangin kasi dito sa likod, kahit na umurong na ang dagat dahil low tide na. Gabi na kasi.

“I’m fine.” sambit ko at saka inabot ang kupita upang pakiramdaman sa daliri ko ang init nito.

Naupo si Russell sa tabi ko at saka nagpakawala ng malalim na hininga.

“Is that the reason why...” he cleared his throat and did not finish his question. Bahagya siyang umiling sa sarili at saka tumingala sa buwan. “Does Nel know about that?”

Umiling ako, kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin. Agad tumulo ang luha ko habang iniisip na nilunok ko ang lahat buong buhay ko. Wala akong kahit sinong pinagsabihan, sa takot na mawala rin ang lahat sa akin. It probably was the reason why I'm like this.

The reason why I don’t like people in general.

The reason why I don't like someone if I can’t get any benefits.

The reason why I’m shutting myself in.

Russell's hand reached out to touch my cheek. He immediately wiped the tears from my eyes.

“Nandito na ako.” he said, his words sparking hope within me. “I’ll protect you from her. Hindi ko hahayaang makalapit pa siya sa’yo.”

Ngumiti ako sa kaniya at saka paulit-ulit na tumango. “Salamat.”

He pulled me towards him. Niyakap niya ako sa balot ng kadiliman sa paligid namin.

Nanigas ang katawan ko nang may mapagtanto ako bigla.

Noong unang gabi na nahuli ko si Esme... kasama niya si Betty Mae sa kuwarto.

Humigpit ang lalamunan ko nang maalala ang sabi sa akin ng matandang kasambahay ni Tito Glen. Na kesyo, tomboy daw si Betty Mae.

“Lussi?” sambit ni Russell nang maramdaman ang pagkadiskumportable ko. “Anong meron?” he asked, his voice covered in full concern.

Napapikit ako.

Lahat ng mga impormasyong nakalap ko ay nagdagsaan agad papasok sa utak ko. Ito ang ibig kong sabihin, kaya ayaw kong madaling makaalala. Dahil lahat, maging mga bagay na gusto mong makalimutan, babalik sa iyo nang walang pasintabi.

On the comfort room, sinabi ni Esme na siya ang pumatay kay Betty Mae.

But Betty Mae died because of HIV.

Esme was a nurse back then.

And the maid didn’t know that Betty Mae died.

Humigpit ang lalamunan ko. Hindi ko magawang hawiin ang mga impormasyon palayo sa isipan ko.

Posible kayang si Esme ang dahilan kung bakit nagka-HIV ang taong kumupkop sa amin? It would be easry for her, dahil nurse siya. She could easily administer her an injection containing the suspected HIV blood. She could do that and make it an accident...

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon