Kabanata 19

366 23 5
                                    

Kabanata 19


MASAKIT ang ulo kong bumangon mula sa malamig na sahig. Pati katawan ko, lalo na ang likod, ay nanghihina. Ramdam ko ang pagbakat ng biyak sa tiled floor sa mukha ko. Halos hindi ko na rin maikot ang ulo ko.

Stiff neck. Kaya siguro masakit ang ulo ko.

Napabuntong-hininga na lang ako sa sakit. Naamoy ko agad ang mabaho kkng hininga na bunga ng alak kagabi. Hindi ko na maalala ang mga nangyari.

Bahagya pa akong napaungol nang pinilit kong ipipihit sa kabilang direksiyon ang ulo ko. Tila ba hinihila ang ulo ko pabalik sa dapat niyang kalagyan. Stiff neck, back pain, idagdag pa ang hangover! Wala na bang mas sasakit pa? Sino ang gustong pumalit sa puwesto ko?

"Late ka na gumising." ani Sendra. Nakasalampak siya sa flooring at naglalagay ng cutix sa paa.

"Nasaan sila?" tanong ko sa kaniya. Pinihit ko ang katawan ko para makita siya ng maayos.

Ibinalik niya ang brush ng nail polish sa tube. Tapos ay inilapag niya, bago siya tumayo. Kinuha niya ang banig ng advil sa sidetable katabi ng isang baso ng tubig.

"Oh, uminom ka muna bago ka kumain." abot niya sa akin ng baso at gamot.

Nilulon ko iyon kaagad, tila tumitibok din kasi ang ulo ko sa sakit. Tapos ay inisanlagok ko ang tubig na bigay niya.

"Anong nangyari kagabi?" tanong ko nang ilapag ko sa sahig ang baso. "Wala akong maalala."

Natawa si Sendra tapos ay napailing.

"H'wag mo nang alalahanin. Masasaktan ka lang." aniya, tapos ay umiling-iling pa.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Bakit?" tanong ko at nilingon siya biglaan. Napahiyaw agad ako sa pagtunog ng leeg ko sa sakit.

"Stiff neck?" tanong ni Sendra, "Masahiin mo, tapos subukan mo iikot ulit." suhestiyon niya.

Nginiwian ko siya, "Ayaw ko. Masakit nga."

"Hay, nako. Bahala ka diyan." sambit naman ni Sendra at bumalik na sa puwesto niya kanina. Naupo naman ako sa kama.

"Anong nangyari sa inyo ni Ferdie?" tanong ko. Pinagmasdan ko ang magiging reaksiyon niya.

Napatigil siya sa pagbukas ng tube ng cutix. Tapos ay nilingon niya ako.

"Napansin mo 'yon." aniya at saka ngumiti ng tipid sa akin.

Hinintay kong dagdagan niya ang sasabihin niya. Pero hindi na siya nagpatuloy. Nagfocus na siyang muli sa pagbubukas ng tube. Tapos ay ipinahid na niya ang kulay blue na nail polish sa kaniyang paa.

"Nagbreak kayo?" tanong ko pa. Hindi ako umalis sa puwesto.

Bumuntong-hininga siya, pero hindi na siya tumigil sa pagsasalita.

"Kagabi ka pa paulit-ulit sa topic na 'yan, Lussi." reklamo niya, "Bakit ba bigla may pakialam ka na? Dati naman, hindi ka nangku-kuwestiyon, a? Ganiyan ba talaga kapag nagmamahal? Naiirita na ako."

Inangat niya ang ulo niya at ipinakita ang mukhang may halo na ngang pagkairita at lungkot.

Kilala ko si Sendra. Kung anong nasa isip niya, sinasabi niya. Kilala niya rin ako. Alam niyang hindi ako masiyadong nakikipaghalubilo. Not a people person. Sabi nga ng iba.

Napabuntong-hininga ako.

Miski yata ako, hindi na kilala ang sarili ko.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko naman. I don’t even know why I keep on asking her the same questions.

The Frotteurist (Paraphilia Series, 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon