Kabanata 23.
Pleasure pov.
Galit na galit na tinutok niya ang injection sa leeg ni melissa kita niya ang pagkagulat at takot nito.
"A-anong ginagawa mo pleasure.."nauutal na sabi nito
"Pleasure.."narinig niyang sabi ni neon.
"Doc sure.."sabi naman nila nurse belly sa kanya..
"Anong nangyayari doc sure.."narinig niyang sabi ni yam yam..
"Pleasure anong ginawa ko sa iyo.."sabi ulit ni melissa kaya masamang tinignan niya ito.
"Ikaw anong ginagawa mo! Pati si issa gusto mo pang ipahamak. Paano kong nakunan siya. Maibabalik mo ba sa kanila ang anak nila."galit na galit na sabi niya.
Biglang tumahimik naman ang lahat sa sinabi niya. May narinig din siyang napasinghap.
"A-anong pinagsasabi mo. Wala akong kinalaman dyan.."sabi nito na napalunok ng ilapit niya ng kunti ang hawak niya.
Napangisi siya dito na may halong galit.
"Nice acting melissa. Pero hindi yan umuubra sa akin. Sasabihin ko sa iyo na palaban ako hindi ako tulad ng ibang babae na kaya kayanin lang!!. Saka wag mo akong actingan dyan sa paawa epek mo."galit na sabi niya.
Biglang umiyak si melissa na parang nag papaawa..
"Ano ba kasalanan ko sa iyo pleasure... Akala ko ba maayos na tayo."paawa na sabi nito na napatingin sa hawak niya dahil isang lapit pa niya ito ay matutusok na ito.
"Pleasure ibaba mo muna yang hawak mo. Mag usap nalang tayong tatlo kong ano ba nangyayari ngayon."sabi ni neon na seryoso ang boses nito.
"No!!! Mas mabuting malaman na ang lahat kong paano iniwan ni melissa si issa habang nag susuffer ang mag iina sa kagagawan niya. Humihingi siya ng tulong pero iniwan lang ng babaeng ito si issa."galit na galit na sabi niya.. "Saka pakitang tao lang ang paghingi ng sorry niya sa atin neon. May plano siya sa akin diba melissa. Iyun ang narinig ni issa kaya pinagbantaan mo siya kaya siya dinugo at nahimatay.."sabi niya dito at kita niya ang pagkabigla nito at ang mga taong nakarinig sa sinabi niya..
"Ano??"biglang sabi ni neon.
"Iyun ang sinabi sa akin ni issa ngayon-ngayon lang. Kahit itanong niyo kay rex."seryosong sabi niya na hindi pa rin niya binibitawan si melissa at nakatutuk parin ang injection dito.
"Rex.."seryosong sabi ni neon kay rex.
"Totoo ang sinabi ni pleasure. Iyun ang sinabi ni issa."narinig niyang sabi ni rex.
"H-hindi totoo yan.. Nag sisinungaling si issa. Gusto lang niya akong siraan sa inyo. Hindi ko magagawa ang pagbibintang niya sa akin...."sabi ni melissa kay neo na nakatingin."Lahat ng taong nandito ayaw sa akin neo. Kaya gumagawa sila ng paraan para masira ako sa inyo. Ako ang paniwalaan niyo..."sabi ulit nito na umiyak ulit..
"Wag kanang magsinungaling melissa."sabi naman ni aling myrna.
"Totoo ang sinabi ni doc sure,doc neo nakita namin sina melissa at issa na nag uusap bago nangyari ang aksidente kay issa."sabi ni aling beth.
"Saka paano ka namin magugustuhan kong ganyan ang ugali mo. Matapobre parang akala mo ikaw ang reyna dito galing ka lang sa ibang bansa. Sana doon kanalang at wag kanalang sana bumalik."sabi naman ni aling norma.
"Saka kong umasta ka sa rancho ng mga settle parang ikaw ang girlfriend ni senyorito neo. Ei wala ka naman karapatan doon."sabi ng isang lalaki.
"Oo nga.. Saka nagiging mabait ka lang naman sa amin kong nandyan sina senyora marga."sabi pa ng isang lalaki.
BINABASA MO ANG
FUCKING WOMENs 05: Neon Mike Settle ✅✅✅✅ (COMPLETE)
General FictionWarning... This story is un-edited, so expect typo,wrong grammar,wrong spelling...etc. Asahan ninyong may spg ito.. Salamat. ------)))))) Gusto ni lola na pumunta ka sa aniversary nila. Gusto kong ituloy natin ang pagpapanggap sence sinimulan na nat...