KABANATA 10

5.4K 200 18
                                    

Kabanata 10

Pleasure pov.

Inis na binitawan siya ni neon. Nandito lang naman sila sa garden..

"Ano ba.. Bakit mo ba ako hinihila dito.."inis na sabi niya kay neon..

Kita niya ang galit sa mga mata nito.

"Ganyan ka ba talaga ahhhh... Yang gusto mo lang ang sinusunod mo. Hindi ka tumutupad sa usapan.."galit na sabi nito..

Biglang nasaktan siya sa sinabi nito..

"What??? Ako pa talaga ang hindi tumutupad sa usapan. Ano sa  tingin mo ang ginagawa mo kanina. May payakap yakap pa talaga.."galit na sabi din niya dito..

"Ilang beses ko bang sasabihin si grace yun siya ang unang yumakap sa akin..  Saka kababata namin ni rex si grace...."galit na sabi nito. Tumataas na rin ang boses nito kaya inis na sinigawan din niya ito..

"Ohhhh So kapag kababata pwede ang payakap yakap ganun ba... Wow ahhhh.."sigaw niya dito..

Nakikita niyang nauubos na ito ng pasyensya..

"Wala akong sinasabing ganun. Ang gusto ko lang sabihin na hindi ako ang unang yumakap sa kanya. Nabigla rin ako sa ginawa niya. Saka  ikaw kong sino sino ka sumasama. May usapan tayo pleasure.."galit na sabi nito kaya sa galit niya nasampal niya ito.

"Hindi ako malandi kong yan ang gusto mong palabasin neon. Oo ilang beses kong aamin malandi lang ako sa porn pero hindi ako malandi kong kanino ako nagpapalandi. Hindi ako ganun."sabi niya saka siya tunalikod.. Hindi niya mapigilan na mapaiyak..

Ang sakit sakit sa dibdib niya...

Paglabas niya sa garden doon na siya tuluyan na umiyak..

Ilang beses ba siyang inaakusa nitong malandi siya.

"Pleasure??"

Biglang napapunas siya ng luha ng marinig niya ang boses ng lola ni neon.

"Anong nangyari sa iyo?? Inaway ka ba ni nek nek??"nag alalang sabi nito.

"Hindi lola.."sabi niya dito. Tinignan siya nito saka tinignan nito ang nasalikod niya.. Ramdam niyang nasalikod niya si neon.

"Ikaw naman nek nek bakit mo pinaiyak ang girlfriend mo. Ikaw na bata ka. Kong nagseselos ka sabihin mo sa kanya hindi yong inaaway mo siya..."galit na sabi nito..

Huminga muna siya ng malim bago siya nagsalita.

"Lola excuse me lang po. Pupuntahan ko lang ang ibang mga kaibigan ko na nandito. Hindi ko pa kasi sila kinakamusta.."paalam niya at hindi na niya tinignan si neon saka tuloy tuloy na umalis na siya..

Pinunasan muna niya ang mata bago siya pumasok sa loob. Pagpasok niya nakita niyang nagkakasiyahan nanaman ang mga tao.. Parang walang nangyari kanina..

"Doc sure.."narinig niyang sigaw ni lust kaya doon na siya pumunta..

"Okay ka lang ba??"kumunot noo na sabi nito ng mapansin siguro nitong parang umiiyak siya..

Pilit na ngumiti siya dito..

"Oo naman.."sabi niya at kinuha niya ang isang basong may laman na alak sa waiter na naglalakad papunta sa direksyon niya. Natigilan naman ito sa ginawa niya pero hinayaan nalang siya bago ito umalis..

Ininom niya iyun ng isang lagok lang.. Napa ngiwi pa siya dahil ang pait..

"Masarap pala ito..."sabi niya kina lust at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni yam yam..

"Anong problema??"tanong ni yam yam sa kanya kaya tinignan niya ito ng seryoso.

"Kayo!!! Kayong mga kalahi ng neon na yun.."sabi niya at inagaw ang inumin nito at isang lagok pa rin ang ginagawa niya.

FUCKING WOMENs 05: Neon Mike Settle ✅✅✅✅ (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon