Kabanata 22
Pleasure pov.
Bihis na bihis siya dahil susunod siya ngayon sa badapat. Dahil kailangan niyang kamustahin si issa saka mamaya dadalawin din niya si quinnie.. Kahit mahapdi parin ang nasa ibaba niya. Uminom na rin siya ng gamot na bigay rin ni neo alam ata nitong sobrang sakit ang pagkababae niya ngayon.
Pagbaba niya ng hagdan nakita niya si rex na nakaupo sa sala na may hawakvna libro. Napatingin ito sa kanya.
"Pupunta ka pa rin ba sa badapat? Ako ang inutusan ni neo na baka sumunod ka doon kaya pinaiwan niya ako para may mag dridrive sa iyo. Nainom mo na ba yong gamot??"sabi nito sa kanya nagtaka siya.
Ngumiti ito sa kanya.
"Dont worry alam ko ang ginawa niyo ni neon kagabi dahil sinabi niya sa akin. Ako ang inutusan niyang bumili ng gamot para sa iyo dahil kong sina reid ang inutusan niya baka wala pang minuto malaman na ng buong mundo."sabi ni rex..
Biglang namula siya sa sinabi nito at parang nahihiya siya..
"S-salamat.."nahiyang sabi niya. Ngayon lang siya nahiya sa sarili niya..
"Tara na para may maabutan pa tayo."sabi naman ni rex saka sinara ang libro nito saka ito tumayo..
Tumango naman siya at nginitian ito.
"Salamat.. Inutusan ka pa ni neon."sabi niya dito.
"Wala yun. Tinatamad rin kasi ako ngayon dahil nag iisip ako sa gagawin kong bagong project."sabi nito ng sabay na silang naglakad palabas ng rancho..
Matalino talaga ito.
"Salamat."sabi niya ng pagbuksan siya ng pintuan. Sumakay na rin ito saka pinaandar ang sasakyan nito.
"Ahhh rex pwede bang sa bahay nalang nila issa tayo pumunta. Gusto ko lang siyang kamustahin."sabi niya dito.
Tumango naman ito sa kanya saka sumulyap sa kanya..
"Alam mo ba ang isang lugar dito na gustong gustong puntahan ni neo noong bata pa siya.. ."biglang sabi ni rex sa kanya.
"Hindi.. Pero ipapakita sana niya nakaraan pero hindi kami natuloy."sabi niya dito.
Tumingin ito sa kanya at nginitian siya bago bumalik ang tingin sa daanan.
"Kong ganun special ka kay neo pleasure dahil alam mo ba ang sinabi niya sa akin noong bata pa kami na ang babaeng mamahalin lang niya ang dapat na isama niya sa lugar na yun. Naka move na talaga siya kay plea. Thank you at binigyan mo ulit ng buhay ang puso niya."sabi nito kaya napaiwas siya ng tingin.
Hindi naman kasi totoo ang sinabi nito dahil hanggang ngayon pa naman si plea parin ang laman ng puso ni neon.
"Siguro dahil gusto lang niya ipakita sa akin."sabi nalang niya.
"Mali ka pleasure. Saka hindi kanya magiging girlfriend kong hindi kanya mahal at special sa kanya."sabi ulit nio.
Gusto sana niyang sabihin na kasunduan lang ang namamagitan lang sa kanila ni neon kaya ganun ito pero baka mapahamak pa sila ni neon.
Nginitian nalang niya ito saka hindi na nagsalita pa. Napatingin nalang siya aa daan.
Pagdating nila sa bahay nila issa. Sakto naman na lumabas si chris ang asawa ni issa.
"Senyorito rex,doc sure."bati na sabi nito.
"Kakamustahin ko lang sana si issa."nakangiting sabi niya.
"Okay na siya doc sure. Salamat po ulit sa tulong mo."sabi nito saka pinapasok sila ni rex sa bahay nito.
Pumasok naman sila sa loob at pumasok sila sa maliit na kwarto. Nakita nila si issa na nakahiga parin sa kama.
BINABASA MO ANG
FUCKING WOMENs 05: Neon Mike Settle ✅✅✅✅ (COMPLETE)
Ficção GeralWarning... This story is un-edited, so expect typo,wrong grammar,wrong spelling...etc. Asahan ninyong may spg ito.. Salamat. ------)))))) Gusto ni lola na pumunta ka sa aniversary nila. Gusto kong ituloy natin ang pagpapanggap sence sinimulan na nat...