Kabanata 18
Neo pov.
"Doc neo magandang umaga po."nakangiting sabi ni mang jerry sa kanya.
"Magandang gumaga rin po."nakangiting sabi rin niya saka sinulyapan si melissa na nakatingin din sa kanila ni pleasure.
"Akala po ba namin bukas pa po yong medical mession dito doc neo."sabi naman ni aling norma.
"Opo bukas po. Nandito lang po ako para sana tignan kayo at may ibibigay po ako sa inyong bigas at kunting mga gulay galing sa rancho n pinapamigay ni lola marga.."sabi niya.
"Ang bait po talaga ng pamilya niyo doc neo. Pati po ikaw. Para po talaga kayo si doc eugene matulungin din po."sabi ni aling beth.
Napangiti naman siya.
"Saka gwapo.... Maswerte ang mapapangasawa mo doc neo."sabi naman ni aling lily.
"Naku parehas silang maswerte. Mabait rin kaya si doc pleasure saka maganda pa.."sabi ni issa.
"Tama nga sinabi mo issa na para ngang dyosa ang girlfriend ni doc neo."sabi ni aling lydia na nakatingin kay pleasure.
Napangiti naman siya na hinawakan ang kamay ni pleasure na kita niya ang pagngiti nito.
"Salamat po."naiilang sabi ni pleasure sa mga ito.
"Kami po hindi niyo po ba kami papansinin. Mga gwapo rin naman kami diba."singit ni yam yam.
Kaya nagtawanan ang mga taong nandoon. Masamang tinignan niya si yam yam.
"Sobrang gwapo. Para kayong mga artista."sabi ni aling norma.
"Oo nga. May mga girlfriend na ba kayo? Kong wala pa ipapakilala kita sa anak ko."nakangiting sabi ni aling lydia.
"Wag nalang aling lydia baka umiyak lang ang anak niyo."sabi niya.
"Wow lolo neo wag kang ganyan.. Naka girlfriend ka lang ayaw mo na kami bigyan ng forever. Nakaka sakit ka ng damdamin."sabi ni sky na nagkukunwaring nasasaktan kaya nagtawananan nanaman ang mga nandoon.
Natigil lang ang tawanan ng magsalita si melissa.
"Neo.."biglang napatingin silang lahat kay melissa.
"Anong kailangan mo melissa?? Kong nandito ka para manggulo nanaman. Please melissa umalis ka nalang dito."mahinahon na sabi niya. Kaibigan at kababata parin niya ito.
"Nandito ako para sana humingi ng sorry sa ginawa ko. Nagulat lang kasi ako na may girlfriend kana."sabi nito na mahinang boses.
"Wala na sa akin yun melissa."sabi niya naman.
"K-kong ganun k-kaibigan mo parin ba ako."sabi nito na tumingin sa kanya.
Nginitian niya ito.
"Oo naman."sabi niya.
"Salamat.."ngumiti ito sa kanya saka tinignan nito si pleasure. "Sorry din sa sinabi ko. Pasyensya din sa inasal ko sa iyo."sabi nito kay pleasure.
Napatingin naman siya kay pleasure na tumingin sa akin saka nagbuntong hininga at tinignan rin si melissa.
"Wala na sa akin yun. Kalimutan nalang natin. Saka sorry din sa inasal ko sa iyo.."sabi ni pleasure saka nagulat siya at si pleasure ng yakapin ni melisa si pleasure.
"Thank you.."sabi ni melissa ng bitawanan na nito si pleasure sa pagyakap nito.
Kita niya ang pagkailang ni pleasure sa ginawa ni melisa.
"Ahh pwede ba akong tumulong bukas.."sabi ni melissa kaya nagtinginan sila ni pleasure.
"Oo naman. Mas maraming tutulong mas madali ang trabaho diba doc sure.."sabat na sabi ni max.
BINABASA MO ANG
FUCKING WOMENs 05: Neon Mike Settle ✅✅✅✅ (COMPLETE)
Ficción GeneralWarning... This story is un-edited, so expect typo,wrong grammar,wrong spelling...etc. Asahan ninyong may spg ito.. Salamat. ------)))))) Gusto ni lola na pumunta ka sa aniversary nila. Gusto kong ituloy natin ang pagpapanggap sence sinimulan na nat...