IV

131 29 1
                                        

Chapter 4

Visitors

KAYDEN

Weeks has passed and I feel like I am the busiest person in the whole damn world. I have a lot of papers to review and documents to read. These paperworks got me distracted with my real intention and hidden agenda. I should be making my moves now but how? I can't even go out of this office to eat my lunch. I can't imagine how dad worked so hard to make our family business successful for years.

Last week, I just joined the first board meeting as the new CEO. Ngayon pa lang alam ko na ang pagod na pagdadadaanan ko para lang mapanatiling maayos ang kompanyang ito.

Nawala ang atensyon ko sa binabasang papeles ng marinig kong magring ang telepono sa office table ko.

I answered it lazily.

"Yes?"

"Sir, you have-"

"Oy Kayden! Masyado mo naman atang sinasabuhay ang pangalan mo, ano Sirius na Sirius ka ba sa trabaho mo at ayaw mo na kaming papasukin?" nalunod ang boses ng sekretary ko sa sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya.

Nasundan pa ng mga halakhakan ng paningin ko'y mga demonyo. I let out a loud sigh because of those idiots. Ngayon pa talaga nila napiling manggulo.

"Let them in, Luzzi." sabi ko bago pa may masabing kalokohan ang mga gago sa labas.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at wala pa atang sampung segundo ng marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ko. Hindi na ako nag-angat ng tingin dahil alam ko na kung sino-sino ang mga pumasok.

"Huwow! Ang Kayden natin, napaka-busy!" mukhang tangang sabi ni Nickel.

"Kya kya, notice me please." sakay pa ni Aries.

"Shut up shitty shits, you're disturbing the hell out of me." I said annoyingly and tried to continue what I'm doing.

"Inis na si boss. Spank me sir! Spank me!" Nickel teased, not affected with my obvious annoyance.

Tumawa naman ang timang na si Aries.

Si Lead naman ay walang sinabi at diretsong umupo na lang sa may sofa at isinandal ang dalawang paa sa center table.

Kulang sila ng isa, wala si Eros. Mabuti at busy sya ngayon sa bar niya kundi ay baka mas dumagdag pa siya sa ingay at gulo nitong tatlo. Oh, Lead is quite and always so serious unlike his brother Nickel, so that makes them only two.

Si Lead ay mas matanda ng isang taon kay Nickel. Dati ko silang kabanda at kagaya ko'y nagseseryso na rin sa negosyo ng pamilya nila. Si Aries, hindi man halata sa itsura, ay isang kilalang Chef. Sikat ang mga restaurant niya kahit sa ibang bansa at hanggang ngayon ay patuloy pa sa paglago ang mga ito.

Ibinaba ko na muna ang mga binabasa kong papel dahil hindi rin ako makapag-focus sa ingay.

"Ano bang ginagawa niyo rito?" untag ko kahit naiinis pa rin.

"Sinamahan lang namin mag-deliver ng gasul 'tong si Lead jan sa malapit tapos dinaanan ka na namin para mangamusta."

Walang galang na sabi ni Nickel sa Kuya niya.

"Fuck you." Lead simply said.

"Incest ew." ganti pa nito.

The Secretary's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon