Chapter 6
Date
LUZZI
Breaktime na nang bumababa muna ako sa cafeteria ng building para bumili ng makakain. Ang hirap mag-adjust sa bago kong amo. Parang first time ko ulit sa trabahong ito, nangangapa at hindi alam ang gagawin. Sa apat na taon na pagseserbisyo ko kay Mr.Villarico, hindi ako nakaramdam ng kahit anong pagka-ilang. He's kind and very considerate to his employees. I am very comfortable working for him that's why nakatagal ako sa kanya.
Kaya ngayong bago na ang pinagsisilbihan ko, hindi ko alam kung paano gagalaw ng hindi nagkakamali. I don't want to leave a bad impression to him. Hindi naman ako ganito noon dahil naniniwala pa ako na no one is perfect. Hindi maiiwasan na magkamali ang isang tao.
But the moment I saw him again after so many years as my new boss, kahit hindi niya ako kilala, I want to look perfect for him, kahit sa trabaho man lang. Maybe, I still have a little crush on him. I'm too old to say that but that's how it seems.
Natanaw ko agad si Emma na kumakain kasama ang ibang mga kasamahan niya sa trabaho. Nang makita ako ay napatakip ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan.
"Baklaaa! Talandi ka halika rito!" sigaw niya kaya naman para na naman akong artista na pinagtitinginan ng mga tao.
Hindi talaga ako masanay-sanay sa mala-megaphone na bunganga ni Emmanuel!
Hindi ko siya pinansin at dumiretso muna sa counter upang bumili ng snacks ko. Humanap ako ng bakanteng table at ang bakla, mukhang iniwan ang mga kasama niya upang chikahin na naman ako. Sinenyasan niya ako na parang aso upang lumapit sa kanya. No choice, alam ko rin namang hindi ako makakatakas sa kanya eh.
Nilapag ko ang binili kong tuna sandwich, orange juice at ang paborito kong chocolate leche flan. Kita ko sa gilid ko ang nakaabang na mata ni Emma. Umupo ako sa tabi niya at gaya ng inaasahan ay binato na niya ako ng mga pang-talkshow niyang tanong.
"So kumusta ang mga fafa na na-meet mo? Kaloka ka girl ah! Ang swerte swerte mo talaga nakakaasar." Inirapan niya ako at pinaypayan ang sarili niya.
Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi ang mga pumunta kahapon na mga kaibigan ni Sir Kayden. Hindi ko masisisi kung nababaliw at mangingisay sa kilig 'tong bakla sa tabi ko dahil may mga maipagmamalaki naman talaga ang mga kalalakihang iyon.
Actually, kilala ko na rin sila. I've known their circle of friends dahil sila-sila lang naman ang magkakasama noong college. I just needed to pretend as if it was my first time meeting them. Baka magtaka sila kapag nalaman nilang kilala ko sila edi nabuking naman agad ako. Ayokong mapahiya at sabihin na ako yung manang na stalker at fangirl ng banda nila dati, specifically ni Sir Kayden.
Nilantakan ko muna ang sandwich ko dahil gutom na gutom na talaga ako sa dami ng trinabaho ko. Mukha namang nauubusan ng pasensya si Emma dahil sa bagal ng pagsagot ko. Pagkalunok ay nagsalita na ako.
"Ayos lang naman sila. Mababait." walang interes kong sagot at kumagat muli sa sandwich.
"Yun lang?! Ayos lang? Ikaw gurl ayos ka lang? Hellooo? Mga adonis nakaharap mo kahapon. Baka kung ako ikaw, mauubos sa pagtulo ang laway ko at maiihi ako sa kilig. Ano pa? Magkwento ka pa dali!" mahaba niyang litanya.
Why is it such a big deal anyway? Hindi ko rin talaga magets ang mga tao, basta maganda o gwapong nilalang, parang ang laki laking privilege na makaharap o makilala mo sila. Like hello? Tao rin naman sila noh, may kulangot sa ilong at mabaho ang utot.
Well, aaminin ko, gano'n ako dati, pero sa banda lang naman nila Sir Kayden ako nag-fangirl at nabaliw ng husto. Hindi sa mga stranger lang na makita kong gwapo o maganda na eh uusisain ko na ang buhay.

BINABASA MO ANG
The Secretary's Secret
Algemene fictieWhen Kayden Sirius Villarico found out that his Dad has a mistress, he felt enraged and mad because his Mom got miserably hurt. He then, swear that he's gonna search and find the bitch who obviously seduced his Dad for money. Kahit mapagod siya kaha...