III

130 29 1
                                    

Chapter 3

New Boss

LUZZI

"Baklaaa!" napatakip ako sa sa tenga ko dahil sa matinis na boses na tumawag sa akin. Tumingin ako kay Emmanuel a.k.a Emma, isa sa mga pinaka-close ko rito sa kompanyang pinag-tatrabahuhan ko.

"Ano ka ba Emmanuel?! Hinaan mo nga yang boses mo, nakakahiya ka talaga." saway ko sa kanya dahil maraming napalingon sa amin kanina ng tawagin niya ako.

Papasok na ako kanina ng elevator ng sumigaw siya kaya hinintay ko na upang sabay na kami sa pagpasok.

"Mas nakakahiya yung pagtawag mo sa akin ng Emmanuel noh! Excuse me but it's Emma." maarte niyang sabi.

Napailing ako at hindi na nagkomento pa. Masyado akong kabado ngayon para patulan siya.

"Ano gurl, ready ka na ba sa magiging new boss mo? Balita ko sobrang gwapo raw ng anak ni Mr. Villarico!"

Si Emma yung klase ng tao na hindi mapapakali hangga't walang naidadaldal. Kung anong nasa isip niya ay lumalabas agad sa bibig niyang walang preno. Kaya madalas, hindi ako nagsasabi sa kanya ng mga sekreto ko at baka masiwalat niya pa sa iba.

"Kinakabahan ako, Emma. Ewan ko ba, pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda." Totoo, kaya siguro ako kinakabahan ay dahil magmula ng inanunsiyo ni Mr.Villarico na ang anak niya na ang papalit sa kanya, hindi na ako mapakali.

Matagal ko nang kilala ang anak ni Sir, sa kanya ko nalaman na matapos daw nitong makagraduate, ay lagi na itong nangingibang-bansa at busy sa pagbabanda. Kaya nga ngayong makakaharap ko na ulit siya ay mas lalong tumindi ang kaba ko.

Actually, he's my schoolmate back in college and my ultimate crush. Pero dahil medyo may pagka-manang ako noon ay hindi ko na pinilit pang magpapansin sa kanya.

"Kung ayaw mo, pwede namang palit na lang tayo ng posisyon. Malay mo ma-inlove sa akin si Sir, iba pa naman ang alindog ko." confident pa niyang pahayag at kinikilig kilig pa.

Ang baklang ito talaga! Napaka-harot.

Bumukas na ang elevator sa palapag ng department ni Emma kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa. Bumalik tuloy yung kaba ko. Hindi ko maiwasang balikan yung last encounter naming dalawa.

Nagmamadali ako papasok sa isang restaurant kung saan may imimeet akong kliyente ni Mr.Villarico. Hindi niya ito mahaharap kaya naman may ipinagawa siya sa akin upang mairepresent ko siya ng maayos.

Nakayuko ako at chinicheck kung may kulang pa ba sa mga dala ko ng biglang may nabunggo ako at nag-silaglagan ang mga hawak ko.

"Shit, ano ba naman yan. Kung kailan naman nagmamadali ako." mahinang usal ko.

Sinimulan kong pulutin ang mga folders na nalaglag at nakita ko sa gilid ng mata ko na may tumulong sa akin.

"I'm sorry miss. Hindi kita napansin." sabi ng isang baritonong boses

"It's fine. Kasalanan ko rin." sagot ko nang hindi pa rin siya nililingon dahil kailangan kong magmadali sa pagpupulot.

The Secretary's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon