Chapter 2
The Mistress
Naging busy ako sa mga sumunod na araw. I already told my dad that I'm willing to take over his position in the company. Hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil iyon ang simula ng plano ko.
Naalala ko ang pag-uusap namin ni dad.
Matapos kong malaman kay Eros na maaaring ang sekretarya ng ama ko ang kanyang kabit, isa sa mga unang pumasok sa utak ko ang kompanya. Iyon lang ang tanging paraan upang mas maimbestigahan at mapatunayan ko na siya nga ang kabit ng ama ko.
Kaya hindi na ako nagdalawang-isip at kahit gabing gabi na ay agad akong pumunta sa office ni dad sa mansyon. Good thing was my mom's already asleep. Alam kong kapag nakita niya ako ay ipipilit niya na naman sa akin ang kagustuhan niyang mag-stay ako sa mansyon dahil sa pag-aalala niya.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko si dad na nakaupo sa harap ng office table at may mga binabasang dokumento habang may laptop na naka-on sa kanyang harap. Napansin niya agad ang aking pagpasok at r-um-ehistro sa kanyang mukha ang bahagyang pagkagulat sa aking presensya. Marahil ay hindi niya inaasahan ang pagbisita ko ng ganitong oras sa kanya.
Tinanggal niya ang kanyang reading glasses at binaba ang mga binabasa niyang mga papeles. Naupo ako sa upuan sa harap ng kanyang mesa bago sinabi ang aking pakay sa pagpunta.
"Dad." panimula ko.
"What brings you here at this hour?" nakakunot-noong untag niya sa akin.
"I already made up my mind. I want to work for the company." diretsa kong sabi at 'di na nagpaligoy-ligoy pa.
Base sa ngiting ipinakita niya ay alam kong natuwa siya sa sinabi ko.
"That's good! Matagal-tagal kong hinintay na sabihin mo iyan, Kayden." puno ng galak niyang pahayag. "Why did you suddenly change your mind?"
To catch your bitch? I smirk at the thought. This will be fun.
"I just realized that what you've said last time was right. I'm not getting any younger, it's time for me to help you with the company."
Mukha namang nakumbinsi siya sa isinagot ko at parang nawalan siya ng mabigat na dinadala.

BINABASA MO ANG
The Secretary's Secret
Ficción GeneralWhen Kayden Sirius Villarico found out that his Dad has a mistress, he felt enraged and mad because his Mom got miserably hurt. He then, swear that he's gonna search and find the bitch who obviously seduced his Dad for money. Kahit mapagod siya kaha...