XV

87 16 2
                                        

Thank you sa support @Diyeeen!! Love you girl, mwah! :-)

-----

Chapter 15

Crazy

LUZZI

Tahimik akong inihatid ni Kayden sa tinutuluyan ko. Mas nakakabingi pa ang katahimikan na namayani sa pagitan naming dalawa kaysa sa mga tilian kanina nung kumanta sila. Sobrang awkward.

Ngayon ko lang na-feel yung hiya. For sure, maraming nakasaksi sa ginawa namin. Ngayon pa lang, kinakain na ako ng kaba dahil baka ipa-salvage ako ng mga fangirls niya. Wala rin naman siyang sinasabi habang nagmamaneho, mukhang hinihintay niyang nay sabihin ako pero wala akong lakas ng loob. Baka madagdagan lang ang kahihiyan ko sa araw na 'to.

Kulang na lang ay makarinig ako ng tunog ng crickets sa loob ng kotse niya. His fingers are tapping the steering wheel and he seems so relaxed! Parang wala lang sa kanya yung kanina. Of course, it's not new to him anymore. He's famous for having a bunch of girls drooling over him. What should I expect?

Pinigilan kong mapabuga ng hangin ng saktong huminto na ang sasakyan. Finally!

I tried to fake a cough before saying something.

"Thank you sa paghatid, Kayden. Uhh..." hawak ko na ang door handle pero naghihintay pa siya sa susunod kong sasabihin. Nakailang lunok ako para umapuhap ng maaari pang sabihin sa kanya.

"Nag-enjoy ako ngayong gabi." I bit my lower lip when I saw how he pouted to contain his teasing smile.

"I've enjoyed this night, too." his eyes is looking at my lips.

Agad nag-init ang buong mukha ko. Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko dahil naalala ko na naman ang nangyari.

"S-sige, salamat." iniwas ko ang tingin ko sa kanya at dali-daling lumabas sa kotse niya.

Magdamag nag-play sa utak ko ang halikan naming dalawa. Laking pasalamat ko dahil walang pasok bukas. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ng hindi ko nasisingit sa utak ko ang nangyaring halikan namin. Ugh! Ba't ba kasi ang sarap-sarap niyang humalik?! Ayan tuloy, mas nababaliw na ako sa kanya!

He's my freakin' boss for pete's sake! Ano na lang sasabihin ng iba pag nalaman nila yun? Crush lang dapat eh pero bakit may kiss agad na naganap. Gano'n na ba ako karupok?

I suddenly heard Emma's voice inside my head. Marupokpok ka Harmonya!

I shook my head to stop my thoughts. I can't fucking sleep. The kiss is haunting my pretty little head. Tuwing pipikit ako automatic na anjan na agad yung eksena. Nakaka-frustrate naman!

Kaya kinaumagahan, para akong naglalakad na patay. I felt so tired and sleepy but I can't go back to sleep. I've only slept for four hours. I need to distract myself.

Kumain muna ako pagkatapos kong magluto ng simpleng breakfast. Naghanda na ako para sa mga gagawin ko ngayong araw. Usually, naglilinis lang ako ng condo at nanonood ng movies. Sunday is my favorite day of the week.

Alas dos na ako natapos sa paglilinis. Naligo muna ako bago nagsimulang maghanap ng bagong panonoorin sa laptop ko. I chosed to watch Midnight Sun, I've heard na maganda at nakakaiyak daw 'to. Well, let's see kung totoo nga para naman madistract ako.

I silently watched it, weird naman kung kakausapin ko yung sarili ko rito. Nakasandal lang ang ulo ko sa headboard ng kama habang nasa hita ko ang laptop. Hayss, this is life.

While watching, the kissing scene suddenly appeared. As if automatically, a familiar scene popped into my head. I unconsciously touched my lips and tried to remember how his lips touched mine. I looked like a fool now. Glad I'm all alone here.

The Secretary's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon