VII

108 25 0
                                        

Chapter 7

Party

"Date s-sir?" Hindi pa rin makapaniwala kong tanong. Naglinis naman ako ng tenga ko pero ba't parang mali ata ang narinig ko.

"Haven't you heard the word date before?"

Of course I know what date means! I am not that stupid.

I was about to talk when I heard his sexy chuckle.

"Just kidding. Why do you look so shocked?" I can see the amusement in his face.

Who wouldn't be shocked? Your boss who isn't very close to you suddenly called you inside his office just to asked you if you can be his date to a party? Now, tell me if that's normal. Or am I just overeacting?

"You want me to be your date in this party?" tumaas ang kilay niya sa pagiging kaswal ko. "-sir?" pahabol ko. He nodded before he smirk meaningfully and I thought my heart just skipped a beat because of it.

"Why me? This is not a part of my job, sir." Angat ko sa envelope na hawak ko. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong ayokong maranasang maging date ng isang Kayden Sirius Villarico, maraming mga babae jan na mangangarap na mapunta sa pwesto ko ngayon.

"Then, I'm willing to pay. Just be my date on that night."

Edi hindi na favor yon kung babayaran niya naman pala ako. Napayuko ako at tinignang muli ang invitation. Ano bang masama kung pumayag ako? Kung ako ang inaya niya, ibig sabihin wala siyang girlfriend?

I bit my lower lip to supressed the smile that is trying to escape my mouth. Crush ko lang naman siya pero ang tuwang nararamdaman ko dahil nalaman kong wala siyang girlfriend ay umaapaw!

"What about your girlfriend, sir?" subok ko. Mamaya tamang assume lang pala ako rito noh. I better ask him than to keep my hopes high with a false conclusion.

Mahina siyang tumawa bago sumandal sa swivel chair niya. "First of all Ms. Montajez, I don't do girlfriends. They're clingy and I hate that. Second, if ever I have, though it's impossible, I wouldn't ask you now. And third, there's no third." he explained.

Hindi na ako nagulat. College pa lang ay kilala na ang reputasyon nilang magkakaibigan na matitinik sa mga babae. Kaya nga dapat pigilan ko ang sarili ko, ayokong maulit ang nangyari dati na-

"So, what's your decision?" naputol ang mga iniisip ko at napabaling muli sa kanya na talagang inaabangan ang magiging sagot ko.

Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. Hayss, bahala na.

"Okay, sir." wala ng bawian 'to, nasabi ko na.

"Great. Don't worry, ako ng bahala sa susuotin mo. Tell me your address and I'll let my driver pick you up."

Wala na talagang urungan 'to. Hindi ko naman first time na makapunta sa mga formal party dahil may mga pagkakataom na pinapasama ako ni Sir Villarico noon sa mga social gatherings at business related na mga party. Pero ito ang unang pagkakataon na isasama ako ng isang lalaki particulary ng amo ko sa birthday party ng kaibigan niya na walang kinalaman sa trabaho ko.

Well, he said he'll pay me, that's fine right?

SA HOTEL na pagmamay-ari ng mga Donovar ang venue ng party. Isang tingin pa lang ay masasabi mo ng engrande at hindi lang simple ang magaganap na selebrasyon.

Hindi ako nakatulog kagabi sa pag-iisip sa maaaring mangyari sa gabing ito. Kinakabahan ako at hindi mapakali sa hindi ko malamang dahilan. Nagsisi tuloy ako kinabukasan dahil sa pagpupuyat, mabuti na lang at hindi naman ako tinubuan ng eyebags.

The Secretary's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon