Chapter 32
Baby
Maaga kaming bumyahe pabalik ng Manila ni Kayden. Hindi niya man sabihin pero ramdam ko ang tensyon sa kanya habang nagmamaneho. Tahimik lamang siya at parang may malalim na iniisip, nakailang buntong hininga na rin siya mula pa kanina. I know that it’s just normal for him to worry about his father’s condition but I am not used to him being this quiet.
Hindi ako dinapuan ng antok kahit na kulang rin ako sa tulog, mas nangingibaw ang pag-aalala ko sa nangyari kay Mr. Villarico ngunit ayokong ipahalata pa iyon kay Kayden, ayokong dumagdag sa alalahanin niya.
Napalingon ako sa banda niya nang marinig kong muli ang pagbuntong hininga niya. Hindi na ako nakatiis kaya inabot ko ang isang kamay niyang nakahawak sa manibela. Naagaw ko ang atensyon niya dahil sa ginawa ko.
“Magiging maayos ang dad mo.” I gave him a reassuring smile.
Dinala niya sa labi niya ang magkasalikop naming mga kamay. He planted a long kiss at the back of my palm while his other hand is on the steering wheel.
“I know, I’m just…I am worried for my mom, she’s alone right now. And she probably cried the whole day.” his voice was etched with so much concern now. I get it. He loves his parents so much and that’s another thing that I admire about him.
Tahimik ang buong byahe at himalang hindi talaga ako nakatulog. Hindi ako pinatulog ng mga iniisip ko. Muntik ko nang masabi sa kanya kagabi, I was so ready last night, it was my chance to tell him everything but destiny really loves playing with me. Hindi ko alam kung kailan ulit ako magkakalakas ng loob para magsabi sa kanya.
Pagdating namin ay nagpahatid na lamang ako sa tinutuluyan kong condo unit, gusto niya akong isama sa hospital ngunit tumanggi ako dahil gusto kong tutukan niya muna ang mommy niya. Huminto ang sasakyan niya sa parking lot.
“I am sorry if I have to drop you here, babawi ako sayo.” sabi niya bago ako niyakap. Ramdam ko sa higpit ng yakap nya na ayaw niya pa akong bumaba.
“I don’t get why you’re saying sorry. I understand the whole situation, Kayden. Your family needs you more right now.”
“Thank you, Luzzi. I am so grateful to have you.” napangiti ako sa sinabi niya.
“You should go now, your mom’s probably waiting for you. Don’t worry about me and just focus on your family first, okay?” naramdaman ko ang pagtango niya kaya sinubukan ko nang kumalas sa yakap para makababa na ako ngunit hinila niya ako pabalik para yakaping muli, ng mas mahigpit.
“Five minutes, I need my strength. Let me just hug you for five minutes.” mas siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Hinayaan ko siya sa ganoong posisyon at pinanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Lumipas ang limang minuto at ramdam kong wala pa rin siyang balak na kumalas kaya ako na ang humiwalay sa kanya. Tumingin ako sa namumungay niyang mga mata at inayos ang buhok na tumatabing sa kanyang noo.
“I’ll go now, don’t stress yourself too much please. Take time to rest, too.” he nodded like a kid, I kissed him on his forehead before going out of his car.
Pagkarating ko sa condo ko ay dumiretso ako sa kama dahil sa pagod kahit wala naman akong masyadong ginawa. Nakipagtitigan lamang ako sa kisame at inisip ang mga nangyari sa loob ng isang buwan na kasama ko si Kayden. Parang ang daming nangyari na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na ang sarili na magpahinga.
Pagkagising ko ay alas dos na ng hapon. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko, naalala kong wala na nga pala akong stock ng pagkain. Nag-ayos muna ako ng sarili at inayos ang mga ilang gamit bago ako nagpasyang kumain na lang sa labas at diretsong mag-grocery.

BINABASA MO ANG
The Secretary's Secret
General FictionWhen Kayden Sirius Villarico found out that his Dad has a mistress, he felt enraged and mad because his Mom got miserably hurt. He then, swear that he's gonna search and find the bitch who obviously seduced his Dad for money. Kahit mapagod siya kaha...