XX

81 12 0
                                        

Chapter 20

Feelings

"Can't sleep?"

Bahagya siyang natigilan nang maramdaman ang presensya ko. Hinahangin ang suot niyang maluwang na shirt kaya naman nakikita ko ang hubog ng kanyang katawan. Magulo rin ang kanyang buhok dulot ng hangin at namumungay na rin ang kanyang mga mata.

"It's late. You must be sleeping right now. Why are you still awake?" he asked instead of answering my question.

"Hindi ako makatulog eh, namamahay yata ako." which is a lie, hindi ako makatulog dahil sa mga inamin niya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang pagkakagusto niya sa akin.

I felt him staring at me. I took a sip of my milk to avoid his serious eyes.

"Ikaw? Bakit nandito ka pa?" Pagputol ko sa katahimikan. Bukod sa hampas ng alon at hangin ay wala na akong ibang marinig.

"Can't sleep, too." I saw how he drank straight from his beer. Like it was the only thing that's keeping him awake.

Tumango-tango ako at hindi na alam ang susunod pang sasabihin. Nakikita ko sa peripheral vision ko na pinaglalaruan niya ang beer sa kamay niya sa pamamagitan ng pagpapaikot no'n.

"About what you said earlier..." pag-umpisa ko. Nakatingin lang ako sa harap dahil natatakot akong malunod muli sa mga mata niya. "Are you serious about it?" I finally asked.

Binaba niya ang hawak na beer bago humarap at ibinigay ang buong atensyon niya sa akin. Inangat niya ang baba ko at diretso akong tinignan sa aking mga mata.

"I meant every single word that I have said earlier, Luzzi. It's hard to believe because even I, myself, also couldn't believe that I'd like you this much. In just a short span of time."

Halos manlambot ako sa sobrang lumanay ng boses niya. Naaamoy ko ang alak sa bibig niya pero nakapagpadagdag lamang iyon sa tindi ng nararamdaman ko ngayon. Ang isiping kaming dalawa lamang ang nandito at ang simoy ng hangin lamang ang nagsisilbing musika sa pagitan namin ay may kakaibang hatid na pakiramdam sa akin.

Nakakadala ang sitwasyon at parang may kung anong kumiliti sa loob ko. Siya lang. Siya lang ang may kayang gawin sa akin ito. Simula pa noon. One guy, thousand feelings.

Hindi ko maiwasang mapalunok ng dumako ang paningin ko sa mapulang labi niya. Pinadaanan niya ng kanyang dila ang pang-ibabang labi niya ng maramdaman niya ang titig ko roon.

Iniwas ko ang tingin ko at ibinalik ang tingin sa harap. Natatakot akong baka hindi ko na mapahinto ang sarili ko kung sakaling matikman kong muli ang halik niya kaya mas maiging umiwas muna. Kailangan naming mag-usap.

"Hindi kaya naco-confuse ka lang?" tanong ko na parang wala lang, pero nanghihina ang loob ko sa sagot na maaari kong makuha.

"Confuse of what?" his brows furrowed.

"Of your feelings. Kasi ako ang palagi mong kasama kaya ganyan. Baka nalilito ka lang. Secretary mo lang ako at boss lang dapat kita. Maybe you just like me as your employee." pagpipilit ko. I just want to be sure. We need to clear things out first.

"Are you trying to reject me right now? Pwede mo namang sabihin sa akin ng diretso kung ayaw mo sakin, kung hindi ka pa komportable. But I am telling you now, I'll do everything to change your mind. I will never give up without giving it a try." matigas niyang sabi.

I was taken aback with his sudden remark. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa iniisip niya na mali naman. Saan galing 'yon? I'm just asking boy!

"And my feelings, I've never been so sure about it. I don't even know why I like you, but I just do. I usually don't get attached too easily with someone, but that changes when I met you. If you're thinking that I am just confused, then you better think again because I am certain that it's you that I want, need, and like." mariin ang bawat pagkakasabi niya sa mga salitang binitawan niya na para bang gusto niyang itatak ko iyon lahat sa utak ko.

The Secretary's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon