Chapter 21
Caught
Maiksi lang ang naging tulog ko dahil sa pag-uusap namin ni Kayden kagabi pero kahit na gano'n, ang sarap pa rin sa pakiramdam. Ang saya ng gising ko. Medyo awkward pa rin pero masasanay rin siguro kami. Para na nga akong tanga kagabi sa kakangiti at hindi ko na nabilang kung nakailang ikot ako sa kama bago nakatulog.
Hindi ko maipaliwanag basta ang alam ko masaya ako.
Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba para makapag-almusal na. Naka-suot lang ako ng white front knot top at capri jeans. Kaunti lang talaga kasi ang dala kong damit at karamihan pa roon ay hindi pang-beach.
Dumiretso ako sa kusina at tanging si Manang Selya lamang ang nadatnan ko roon na mukhang nag-aayos ng mga pinamili niyang grocery para sa amin ni Kayden.
Nang mapansin ako ay agad niya akong nginitian.
"Magandang umaga po. Tulungan ko na po kayo jan." I offered and went near her to help.
"Naku, hija, huwag na. Kaya ko na 'to. Maupo ka na riyan at mag-almusal dahil maya-maya ay nandito na si Kayden. Bilin niyang pakainin ka agad pagkagising mo." tanggi niya sa tulong ko at nagpatuloy sa paglalagay ng mga pagkain sa cupboard.
"Saan po ba siya nagpunta?" umupo na ako at tinignan ang mga nakahain sa mesa. Mayroong bacon, sunny side-up eggs, fried rice, pritong galunggong, at kamatis. Halos maglaway ako at agad na naglagay ng sinangag sa plato ko.
"May inasikaso lang sya saglit. Pabalik na rin iyon huwag ka mag-alala." magaan niyang sabi at hindi natanggal ang ngiting nakapaskil sa labi.
Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain. Inaya ko si Manang pero tapos na raw siya.
"Alam mo, hija. Ikaw pa lang ang babaeng dinala rito niyang alaga ko. Nakakatuwa nga dahil ngayon ko lang siya nakitang magkagusto sa isang babae. Kaya napaka-swerte mo sa kanya hija kasi mabait na bata iyan. Habaan mo lang ang pasensya mo dahil minsan ay umaatake ang pagka-masungit niya." Mataman akong nakikinig sa sinasabi sa akin ni Manang Selya.
Ako ang una?
Hindi ko maiwasang mapangiti sa nalaman ko. Para na naman tuloy akong tanga na nakangiti habang kumakain.
"Sa nakikita ko naman sayo, mukhang maswerte rin siya na ikaw ang nagustuhan niya. Mabait ka at magalang kaya hindi na ako magtataka na ikaw ang nandito sa harap ko bilang nobya niya." dagdag pa niya.
Muntik pa akong mabilaukan dahil sa sinabi niya. Napainom tuloy ako sa baso ng tubig na nasa mesa at tuloy tuloy na nilagok iyon hanggang mawala ang nakabara sa lalamunan ko.
Nobya?!
Oo umamin na kami ng pagkagusto sa isa't-isa pero hindi pa naman namin napag-uusapan ang tungkol doon. Nabigla tuloy ako.
"O siya sige, maiwan muna kita rito at maglilinis muna ako sa sala. Pakabusog ka hija." paalam niya nang matapos na sa ginagawang pag-aayos.
"S-sige, salamat ho." ilang kong sabi sa kanya.
Hindi ko naman alam kung paano itatama ang sinabi niya na nobya ako ni Kayden. Mukhang ang saya saya niya kasi na malaman na may kung ano sa amin ni Kayden kaya nakaka-guilty sirain ang mood niya. O baka dahil gusto ko rin ang ideyang kami na. Hmmmm, ligaw muna noh, dalagang pilipina pa rin naman ako.
Imagine, boss ko, liligawan ako? Napatawa ako sa naiisip ko.
Hayyy Emma, mukhang mamumula ang tagiliran ko sa kurot na aabutin ko sayo kapag nalaman mo 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/221625400-288-k193166.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secretary's Secret
General FictionWhen Kayden Sirius Villarico found out that his Dad has a mistress, he felt enraged and mad because his Mom got miserably hurt. He then, swear that he's gonna search and find the bitch who obviously seduced his Dad for money. Kahit mapagod siya kaha...