XXII

86 11 0
                                        

Chapter 22

Swimming

Kanina pa masama ang tingin ko kay Kayden at ang walang hiya ay hindi man lang tinatablan at tila sayang-saya pa.

Matapos kaming mahuli ni manang sa ganoong akto ay sinabi ko sa sarili ko na hindi na muna ako lalapit at papahawak kay Kayden. Baka maulit na naman at kung saan pa mapunta. Para siyang may mahika na kayang pasunurin ang katawan ko sa kung ano ang gusto niyang mangyari, isang halik niya lang ay nakokontrol niya na ako. Gusto kong mag-dahan-dahan muna kami at huwag madaliin ang lahat pero mukhang mahihirapan ako kung palagi akong natutukso sa kanya.

He's a walking temptation you know!

Nagsisimula pa lang naman kami at kung gusto naming magtagal ito ay kailangan namin ng pasensya. Lalo na't mukhang malakas ang atraksyon na nararamdaman namin para sa isa't-isa.

"Luzzi, hey." he chuckled. "I was just kidding earlier. I'm sorry, come on." sumunod sya sa akin habang patawa-tawa nang nilagpasan ko lang siya. Kanina pa siya nang-aasar at pinapakita kong naiinis na ako pero parang wala lang sa kanya. Palibhasa ako lang ang nakakaramdam ng hiya sa aming dalawa eh. Nakakainis!

And he doesn't sound like he's sorry at all. He's obviously teasing me now! I looked so pissed for sure.

Hindi ko siya sinagot at tuloy tuloy lamang sa paglalakad pabalik sa kwarto. Mag-aayos na lang muna ako para sa pag-swimming mamaya. Bahala na si Kayden sa buhay niya, walang ginawa kung 'di asarin ako.

Naramdaman kong sinundan niya pa ako hanggang kwarto kaya humarap na ako sa kanya at saka inirapan.

"Hanggang diyan ka lang." I pointed at his feet when he tried to enter the room and he obeyed like a trained puppy.

Sumandal siya sa hamba ng pintuan at humalukipkip habang nakangiting pinagmamasdan ako.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay habang nakapameywang. I can sense his amusement with our situation that he can still afford to play with his lower lip to avoid his teasing smile.

"Don't move and just stay right there." I warned again.

"Okay, ma'am." he replied with a ghost of smile on his lips.

Muntik na akong mapangiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Lakas din talaga ng lalaking 'to eh! Isang gano'n niya lang ay halos bumigay na agad ako.

"Hindi ako natutuwa Kayden ah." I acted more pissed than earlier. Tignan natin 'yang tapang mong asar-asarin ako. Kahit ako ay hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang kong pagsabihan siya ng ganito.

Yes, boss ko pa rin naman siya pero wala kami sa trabaho ngayon kaya hindi muna ako magpapaka-sekretarya sa kanya ngayon.

He instantly stood up straight and his smile faded when he saw my upset face.

"I'm sorry. I won't do it again without your permission, I promise. Forgive me now." he pouted and showed me his puppy eyes.

Napakurap ako sa ginawa niya. What the heck?

Kayden Sirius Villarico, leader of the Four Play band, CEO of a big company, and my boss, acting cute to ask my forgiveness. How cute was that?

"C-can you do that again?" I asked still in shocked.

His brows furrowed. "Do what?"

He doesn't even know that he looked so cute earlier! Damn this handsome idiot!

"The cute expression you just did." I said in my hopeful voice.

"The fuck? Me? Cute?! What am I, a dog?" he ranted pointing at himself. His disbelief with what I just said was very evident now with the scowl on his face, the cute puppy eyes gone now just like that.

The Secretary's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon