XXIV

83 13 5
                                        

Chapter 24

Jealousy

LUZZI

Maaga akong gumising dahil kagaya ng sinabi ko kay Manang, ako na ang magluluto simula ngayon. Bukod sa nahihiya ako na pinagsisilbihan pa kami ng matanda, gusto ko rin namang ipagluto ulit si Kayden.

Tahimik ang buong bahay pagkababa ko, masyado pa nga atang maaga, kaming dalawa lang naman ni Kayden ang tumutuloy rito. Si Manang ay umuuwi sa bahay nila pagkatapos kaming asikasuhin.

Nagtingin ako ng mga maaaring ingredients. May tira pang kanin mula kagabi kaya sinangag ko na lamang ito at nagluto ng tuna and sausage omellette.

Bumalik ako sa kwarto ko pagkatapos magluto at nag-ayos ng sarili. Ngayong araw ako ipapasyal ni Kayden sa buong lugar at ipapakilala sa mga taga-rito. I'm so excited to meet them all. Gusto kong malaman kung anong klaseng mga tao ang nakakasalamuha niya sa lugar na ito. Palagay ko naman ay mababait silang lahat dahil hindi naman magiging paborito ito ni Kayden kung hindi eh.

I just wore a white button-down, tied it up for a retro look and to show off my shorts. Medyo kita ang flat kong tiyan dahil sa pagkakatali ng damit ko pero komportable naman ako.

Matapos magbihis ay lumabas na ako para puntahan ang amo ko sa kabilang kwarto.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto niya pero walang sumagot. Hmm, mukhang tulog pa ang senyorito.

"Kayden?" tawag ko.

Kakatok na sana ako ulit pero bago ko pa magawa ay bumukas na ito.

Bumungad sa akin ang pupungas-pungas na si Kayden na may magulong buhok. He still looks sleepy with his eyes half-closed. Ganito ba talaga siya kagwapo sa umaga at kapag bagong gising? Effortless.

"Mornin'." he greeted with his husky voice.

Parang may kumiliti sa tiyan ko sa simpleng pagbati niyang iyon. Lakas talaga nitong lalaki na 'to.

Niluwagan niya ang siwang ng pinto upang makapasok ako ngunit umiling lang ako sa kanya.

"Ahm, hindi na. Hintayin na lang kita sa baba." Tanggi ko.

Kinusot niya ang kanyang mata at parang bata na tumitig sa akin.

"Where's my morning kiss?" he went near me but I took a step back.

His forehead creased.

"Hindi ba ngayon ang start ng panliligaw mo? Remember what I said?" I raised my brow to him.

"Oh fuck." he cursed under his breath. He facepalmed when it sinked in to him.

"Mag-ayos ka na. I'll wait for you downstairs." I gave him a flying kiss to tease him and he just grunted in frustration.

Nauna na ako pababa at inayos na ang niluto kong almusal. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa aming dalawa. Nang maayos na ang lahat ay tahimik akong naghintay kay Kayden at hindi naman nagtagal ay bumaba na rin siya.

Magana kaming nagsalo at pinag-usapan ang mga gagawin namin para sa araw na iyon. Ang sarap ng ganito, yung walang pinoproblema at magaan lang ang pamumuhay. Ganito lamang ang gusto kong buhay pero kailangan kong makipagsapalaran sa siyudad dahil sarili ko lang aasahan ko. Tsaka na siguro kapag nakapag-ipon na ako.

Sabay kaming nagligpit ng pinagkainan pagkatapos kumain. Ako ang naghugas at siya naman ang nagpunas ng mesa. Alam ko namang hindi siya sanay sa gawaing bahay pero natutuwa akong willing siyang matuto.

Natagalan kami sa pag-aayos dahil sa kakulitan ni Kayden. Mukhang hindi mabubuo ng araw niya kapag hindi niya nakikita ang masama kong tingin sa kanya. Gustong-gusto niya talagang iniinis ako eh.

The Secretary's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon