XVII

104 19 2
                                    

Chapter 17

Upset

"Sir, saan po pala yung business trip?" I asked as soon as I get inside his car.

"You'll find out later." he just said.

Hindi ko na pinilit na magtanong dahil baka mainis siya sakin. Mukha pa namang wala siya sa mood. Ano bang bago? Ganto naman siya lagi pero may times naman na mabait siya. It's either he's super sungit or super mabait. No in between.

He remained silent. Gusto kong may pag-usapan kami dahil baka antukin ako sa byahe at ayoko namang iwan siyang mag-isa. Pero parang ang sungit niya tignan eh, parang anytime maninigaw siya. Hindi naman siya ganto last time. Kiniss niya pa nga ako eh.

Ano bang gusto mong mangyari ha Luzzi? Hirap sayo binibigyan mo lagi ng meaning lahat.

Hindi ko naman gusto pag-usapan ang tungkol doon pero hindi ganito ang in-eexpect kong mangyari pag-nakita ko siya. Akala ko nga aasarin pa ako eh. Hindi niya ba nagustuhan? O napagtanto niya na mali yung ginawa niyang paghalik? Hindi naman siya nag-sorry. Ano ba yan, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

Mukhang wala ata talaga siyang balak kausapin ako. He looked so serious while driving. Where's the playful Kayden? I want to talk to the playful one right now.

I let out a loud sigh. Tumingin na lang ako sa bintana pero wala naman masyadong makita dahil madilim pa. I felt his stares at me so I turned to face him but he quickly looked in front. Napakunot ang noo ko sa pag-iwas na ginawa niya.

"May problema po ba, Sir?" Hindi ko na natiis na magtanong. Ang weird ng kinikilos niya eh.

"Nothing. Just sleep." he said coldly.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Nang matantong baka bad trip siya ay hinayaan ko na lang muna. Sinunod ko ang sinabi niya at nagpasya na matulog muna. Ayaw niya makipag-usap edi wala akong choice kundi matulog.

I reclined my seat before I doze off. Agad akong nakatulog. Nagising na lamang ako na may tumatapik sa pisngi ko. I slowly opened my eyes. Maliwanag na sa labas. I stared at Kayden to see if he's still in a bad mood, unfortunately, I couldn't trace any emotions at his face.

Napanguso ako at iniwas ang tingin sa mata niya. I can't handle the intensity of his eyes right now. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng sasakyan niya.

Sumalubong sa akin ang preskong hangin. My lips slightly opened when I saw the view. White sand, coconut trees, and a beach. Wow.

I looked at him to ask but his busy with our stuffs now. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa magandang tanawin sa harap ko. This place looks so peaceful. Ang sarap sigurong tumira rito, malayo sa gulo at tahimik lang.

"Let's go." Bitbit niya lahat ng gamit namin. Sinundan ko kung saan siya papunta ng hindi nagsasalita. Gusto ko sana siyang tulungan sa pagbubuhat pero napako na ang tingin ko sa mga ugat sa braso niya. Hinawakan ko ang bibig ko dahil baka naglalaway na ako sa kanya.

Pero seryoso, bakit dito kami pumunta? Wala akong nakikitang mga tao at hampas ng alon lang ang naririnig ko, masarap naman sa tenga pero akala ko ba business trip? Nasa'n mga kliyente? Mukhang kami lang yata ang tao rito eh. Edi maganda. Bulong ng malandi kong utak.

Napatingin ako sa bahay na pinasukan niya. Malaki at mukhang matagal ng nakatayo dahil halata ang pagiging luma sa itsura nito, pero maganda pa rin at mukhang iningatan ng may-ari. Sumunod ako papasok at tuluyang namangha sa disenyo sa loob.

I looked around and saw a lot of old paintings. There's a touch of ancient wherever you look. Hindi lang sa labas maganda. May mga vase pang nakadisplay na mukhang daang taon na ang edad.

The Secretary's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon