Chapter 9
First Dance
LUZZI
Masaya ang buong selebrasyon ng kaarawan ni Nickel. Nga lang, hindi ko masasabing na-enjoy ko iyon ng husto.
Naalala ko kasi bigla sina mama at papa kanina sa pag-uusap namin ni Sir Kayden. Bigla ko silang namiss nang nabanggit ni sir ang tungkol sa parents niya. Ganoon na ganoon din sila noong nabubuhay pa sila. Kahit simple lang ang buhay namin, basta buo at matatag kami, perpekto na ang lahat at masaya.
Naiinggit ako kay Sir kasi kasama niya pa ang parehong magulang niya. Magagawa niya pa ang mga masasayang bagay kasama sila na hindi na mangyayari sa akin. Hindi ko napigilan ang emosyon ko at muntik pa akong mapaiyak. Mabuti na lang at nagsalita na ang emcee kaya nawala ang atensyon sa akin ni Sir.
Maraming lumalapit na babae sa kanya na mukhang mga kakilala niya naman. Walang tapon, lahat puro magaganda. Kung hindi maputi at makinis, morena at matangkad naman ang lalapit. Kung magazine lang si sir, malamang ay napuno na siya ng mga litrato ng mga sexy na babae. Pansin ko rin ang mga matang nakatitig sa amin na malamang ay dahil sa kasama ko.
Hindi ko maiwasang mahiya dahil hindi naman ako para rito, lahat paniguradong mayayaman at may sinasabi sa buhay kaya palaisipan pa rin sa akin ang pagkakapunta ko rito.
Nag-speech ang parents ni Nickel sa harap bilang pag-welcome sa mga guests na dumalo. Maganda ang mommy niya at ang daddy niya naman ay matipuno. Hindi halata sa mga itsura nito ang totoong edad at mukha pa ring bata. Nagpasalamat din syempre ang celebrant na guwapong guwapo sa suit niyang maroon. Nahiya tuloy ako dahil wala man lang akong naihandang regalo sa kanya. Biglaan kasi at hindi ko naman alam ang gusto niya, mayaman siya at kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat kaya mahirap isipan ng regalo ang mga kagaya niya.
Kanina pa rin tahimik ang katabi ko mula ng magsimula ang party. Mas okay na rin iyon kaysa kausapin niya ako. Kung hindi nauutal ay hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya kaya mas maigi ng tahimik.
Hindi ko namalayan na unti-unting nababawasan ang mga bisitang nakaupo sa mga table at isa-isang pumunta sa gitna para sumayaw sa mabagal na musika na tumutugtog. Ay, may pa-JS Prom pala 'tong birthday ni Nickel.
Narinig ko ang isang malamig na boses kasabay ang musika, sumulyap ako sa harap upang tingnan kung sino ang kumakanta. Naroon sa gilid kasama ang mga tumutugtog ay walang iba kundi si Lead Hydrus Donovar. Seryoso at napaka-misteryosong tingnan ngunit isa ring makaubos hininga sa taglay nitong kagwapuhan.
Nakakalunod ang boses nito, para kang hinihele at ang sarap sarap pakinggan. Kung 'di ako nagkakamali ay You are the Reason ang title ng kinakanta niya ngayon. Mahilig kasi sa nga gantong genre ng tugtog si Emma at crush na crush niya raw si Calum Scott. Mas nagugustuhan ko ang bersyon na ito ni Lead, sarap sa tenga. Pero ang alam ko ay si Kayden ang main vocalist nila sa banda nila dati, ngayon ko lang nalaman na may talento rin pala sa pag-awit si Lead.
Naglahad ng kamay sa akin ang katabi ko kaya lito akong napatingin sa kanyang kamay.
"Dance with me." hindi iyon tanong, sinabi niya ito na para bang wala akong ibang choice kundi ang sumayaw kasama siya.
Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at tipid na ngumiti sa kanya. Taliwas sa nararamdaman ko sa loob loob ko, parang may nagrarambulan at may gustong kumawala.
Dinala niya ako sa gitna. Hindi gano'n kalambot ang kanyang kamay ngunit nakakapanghina pa rin ang paraan ng paghawak nito sa akin.
"Just loosen up, Luzzi. You're too stiff." magaan niyang sabi sa akin.
Hindi ko namalayan na pinipigil ko na pala ang paghinga ko. Nag-exhale ako at ginawa ang sinabi niya. Sinubukan kong i-relax lamang ang sarili ko kahit na nakadantay ang parehong kamay niya sa baywang ko at ang akin naman ay nasa malapad niyang mga balikat. Napakalapit namin sa isa't-isa at hindi ako makatingin sa kanya. Iniiwas ko ang tingin ko at tinignan na lamang ang mga iba pang nagsasayaw.
Natanaw ko sa bandang harap si Nickel na may isinasayaw na babae, malayo pa lang ay alam kong artistahin din ang mukha nito. Nakita ko rin sa isang table sina Eros at Aries na umiinom lang naman ng wine habang seryosong nag-uusap at walang pakialam sa paligid nila.
"You're not comfortable with me, are you?" Napabalik ang tingin ko kay Sir Kayden ng magsalita siya ngunit hindi ko kinaya ang intensidad ng mga mata niya kaya binaba ka na lang muli ang paningin ko.
"H-hindi naman sa ganoon, s-sir. Hindi lang po ako s-sanay sa mga ganito." mahina kong usal habang marahan pa rin kaming nagsasayaw.
"Is this your first time?" pabulong nitong tanong. Hindi ko maiwasang maamoy ang mabango niyang hininga. Nakakaturn-on ang amoy ng pinaghalong alak at mint sa bibig niya.
"Yes." sabi ko sabay tango.
First time na may magsayaw sa akin sa buong existence ko sa mundong 'to. So technically, he's my first dance and I'm glad because of it.
"You did not have your JS Prom? And what about your debut?" sunod-sunod niyang tanong at hindi makapaniwalang ngayon lang naisayaw sa edad kong ito.
Kasalanan ko ba kung ang malas malas ng dinanas ko? Maagang nawala sina mama at papa. Wala na akong panahon sa mga ganoong bagay lalo pa't hindi ganoon kaganda ang trato sa akin ng tiyahin ko. Kailangan kong unahin ang mas mga importanteng bagay kagaya ng paghahanap-buhay.
Malungkot lamang akong umiling kay sir na mukhang nag-aantay pa ata na magkwento ako. Ayokong sirain ang moment na 'to noh. Saka hindi ko pa siya gano'n ka-close para ikwento ko na ang buhay ko sa kanya. Magkaiba ang mag-amo sa mag-kaibigan.
Napansin siguro nito ang pag-iiba ko bigla ng mood kaya naman nanahimik na lang siya. Bigla tuloy akong nagsisi, siguro naboboring na siyang kasama ako.
Chance mo na yan na mapalapit sa crush mo kaya 'wag ka ng pabebe jan.
"Wala po ba talagang magagalit na ako ang kasama niyo ngayon, Sir?" Pansin kong natigilan siya sa bigla kong pagbubukas ng topic.
"Not sure." nagkibit-balikat pa ito.
"A-akala ko po ba wala kayong girlfriend?" lito kong tanong.
Natatandaan ko pa nga ang sabi niya na hindi siya mahilig mag-girlfriend dahil clingy daw. Pero ba't ngayon ay parang hindi na ito sigurado?
"Wala nga." mas lalo akong napakunot-noo sa sagot niya. Edi walang magagalit? Ano ba talaga?
I heard his soft chuckle and poke my nose as if we're already close, aside of course from our position right now. Bahagya pa akong nagulat roon.
"You're cute." bakas ang ngiti sa mapupulang labi nito. Pakiramdam ko'y namula ako sa sinabi niya.
Cute raw? Ano ako aso?
"Obviously, some of the girls at this venue were shooting dagger looks at you. Maybe they're mad at you for stealing my attention tonight." seryoso ang mukha nito ngunit may pagbibiro sa tono ng boses.
Nilibot ko ang paningin ko at tama nga siya! Madaming nakatingin sa akin ng masama habang kasayaw ko si Sir Kayden. Ang iba ay kahit may kasayaw na ay nakatutok pa rin ang mata sa kasayaw ko.
Hala, sige mainggit lang kayo. Wala akong paki. Sorry pero sa akin muna 'tong moment na 'to ha girls.
Binalik ko ang tingin ko kay sir at parang biglang nawala ang ilang ko dahil natignan ko na siya ng diretso sa mga mata niya. Parang nakangiti rin ang mga iyon at nakakaadik pagmasdan.
Mahina siya tumawa na sinabayan ko rin. Ang ending? Para kaming tanga na nagtatawan sa gitna ng dancefloor. Not bad for my first dance.

BINABASA MO ANG
The Secretary's Secret
General FictionWhen Kayden Sirius Villarico found out that his Dad has a mistress, he felt enraged and mad because his Mom got miserably hurt. He then, swear that he's gonna search and find the bitch who obviously seduced his Dad for money. Kahit mapagod siya kaha...