A/N: Took me too long for this chapter 'coz wattpad deleted the previous one! I don't know how it happened but I was able to construct it again though not the same as the original but yeah, hope you'd still like this one! 😊
Chapter 25
Cook
"Nako ineng! Napaka-ganda mo, swerte sayo nitong si Kayden."
Napakamot ako sa batok ko dahil sa papuri sa akin ni Mang Rodolfo, ang asawa ni Manang Selya.
Medyo umayos na ang balakang ko at hindi na gaanong kumikirot. Mukhang nabigla lamang ng natumba ako sa sahig kaya sumakit kanina pero agad din namang nawala. Ayaw pang maniwala ni Kayden pero nang nakapaglakad na ako ng maayos ay nakontento na siya.
Dito kami dumiretso, kubo rin ito pero hindi hamak na mas malaki kaysa sa pinagpahingahan namin kanina. Nagpahanda pala si Kayden ng kaunting salo-salo para sa mga taga-rito at para na rin makilala ko na silang lahat.
"Aba'y totoo pala ang sinabi ni Simeon na may kasama kang babae hijo! Himala't nagdala ka rito at mabait pa." ani pa ng isang ginang na medyo may katandaan na.
Magkahalong hiya at tuwa ang nararamdaman ko sa mga sinasabi nila. Masaya naman ako na malugod ang kanilang pagtanggap sa akin. Totoo ngang mababait sila. Nakakataba ng puso.
"Ayos ba Manang Esther?" inakbayan ako ni Kayden. Nilingon ko siya at kinindatan niya lamang ako. Siniko ko siya para alisin ang pagkakaakbay niya sa akin pero mas inilapit niya lamang ako sa kanya.
Nakatanggap tuloy kami ng panunudyo mula sa kanila na mas ikinapula ng mukha ko. Naman kasi.
"Ang sarap ninyong panuorin, ganyang ganyan din kami ni Selya noong kabataan namin. Malambing at halata sa mukha namin ang pagmamahal sa isa't-isa." may bahid ng ngiti ang mukha ni Mang Rodolfo ng sabihin niya iyon, na para bang bumalik talaga siya sa nakaraan.
Umani naman siya ng hampas sa braso mula kay Manang Selya na halata namang kinilig sa sinabi ng asawa.
Napangiti na rin ako habang pinanonood sila at sa loob loob ko'y hinihiling ko na makatagpo ng ganoong klase ng pag-ibig. Yung nagtatagal at hindi nababawasan. Yung kahit lumipas na ang maraming taon ay nandiyan pa rin at hindi nawawala. Hindi naman imposibleng mangyari pero hindi rin naman ganoon kadali. Kaya bilib talaga ako sa mga mag-asawang nagtatagal at masaya pa rin ang pagsasama. Sana talaga.
"Nay, Tay, huwag dito." Nakangiwing sabi ni Simeon na nanonood mula sa gilid at kumakain.
Napatawa naman ang lahat dahil doon. Nagpatuloy ang pagkain ng ilan at paminsan-minsan ay may nagtatanong sa akin na magalang ko namang sinasagot. Ganoon din si Kayden na halata sa itsura ang tuwa habang nakikipagusap sa mga kakilala. Napansin niya ang titig ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin, akbay pa rin ako hanggang ngayon.
"What? Need something?" bulong niya.
Umiling lamang ako at ngumiti sa kanya.
"You sure you don't want to eat?" nilingon niya ang mga nakahandang putahe sa mesa bago binalik ang tingin sa akin.
Napanguso ako at umiling muli. "Madami akong nakain kanina, mamaya na lang." sagot ko.
"Okay then. Just tell me if you feel hungry, alright?"

BINABASA MO ANG
The Secretary's Secret
General FictionWhen Kayden Sirius Villarico found out that his Dad has a mistress, he felt enraged and mad because his Mom got miserably hurt. He then, swear that he's gonna search and find the bitch who obviously seduced his Dad for money. Kahit mapagod siya kaha...