Chapter 35
Melody
After that encounter with him, something is tugging my curiosity and interest to get to know him more. Ilang gabi akong puyat sa kai-imagine sa nangyaring iyon at minsan pa'y nababago ang mga scenario sa utak ko. Hindi ko rin namamalayan na parati ko na syang inaabangan sa campus tuwing umaga bago ang klase ko, sa cafeteria madalas ang punta niya bago pumasok at hindi mawawala ang tilian ng mga babaeng nakakasalubong niya. Dahil doon ay ilang beses na akong muntikan ma-late sa mga klase ko, kahit si Nadia ay nagtataka dahil mas nauuna pa syang dumating sa klase kesa sa akin na noon pa man ay nakasanayan na ang pumasok ng maaga.
I'm aware that I was already crushing on him. Nawala sa utak ko na sikat nga pala siya at malayong mapansin niya ang isang katulad ko, I bet hindi na niya naaalala ang nangyari sa garden. I am just the only one stuck at that very moment and on him until now.
"Tutugtog daw ang Fourplay sa Black and Odd bukas. Ano g tayo?" tanong ni Nadia after ng huling subject namin. Agad lumakas ang tibok ng puso ko pagkarinig pa lang sa pangalan ng banda nila. Hindi ko pinahalata kay Nadia ang naging reaksyon ko.
"Black and Odd? Hindi ba't bar iyon?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
She shrugged while putting a foundation on her face. "Yes. At ano naman? We're 19 naman na noh, turning 20 actually! Pwede na tayo sa mga ganoon kaya no worries."
"Don't tell me hindi ka pa nakakapunta sa mga bars?" napahinto siya sa pagreretouch para abangan ang magiging sagot ko. Ako naman ay tila napipilan sa tanong niya. First time? It was actually the opposite. Kung alam niya lang.
The silence grew between us, sinara niya ang make-up kit niya at malakas na bumuga ng hangin. "Hay nako! Hindi ko alam kung maaawa ako o matutuwa dahil masyado kang inosente para sa edad natin. Second year na tayo pero ikaw na ikaw pa rin yung Luzzi last year. Ikaw ang nagpapatunay na isa akong demunyu na umaaligid sa good girl na kagaya mo."
"Baliw!" kung ano-ano talaga sinasabi ng babae na 'to. But I am half glad and guilty na naiba ang topic namin. I can't bring myself to tell her about my past and what's going on in my head for the past months. She's my only friend, alam kong maiintindihan niya pero natatakot pa rin ako na baka mag-iba ang tingin niya sa akin. I will tell her before we turn 20 next month, same kami ng birthday eh.
"Ako na bahala sa susuotin mo ha, ang tanging dadalhin mo lamang ay ang iyong sarili. At baka manonood din yung pinsan ko pero mauuna na tayo roon. Maliwanag?"
"Madilim."
Her face became emotionless and said, "Corny bro." followed by her force laugh.
Natapawa na rin tuloy ako sa tinuran niya. Hays, Nadia.
Dumating ang gabing pinakahihintay ko, mapapanood ko ulit siyang magperform. Graduating na sila this year kaya naging busy na ang banda nila sa acads, mukhang mas nagfocus muna sila doon kesa sa pagbabanda.
Tonight, I am wearing a simple black tight off-shoulder dress na medyo kita ang legs at si Nadia naman ay naka maroon crop-top at maiksing leather skirt, kita ang tiyan niya at di hamak na mas maiksi at mas kita ang legs niya kumpara sa akin. But all in all, she looks very attractive and mature. Maraming manliligaw pero baliw kay Lead. Can't blame her, iba kasi talaga ang charisma ng mga miyembro ng Fourplay.
We're only at the entrance of the said venue but the loud screams of girls can be heard already. They're chanting the name of the band repeatedly. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng alak pero tolerable naman. Nagmadali kaming humanap ng space ni Nadia kung saan mas magkakarooon kami ng magandang view sa stage.
BINABASA MO ANG
The Secretary's Secret
Genel KurguWhen Kayden Sirius Villarico found out that his Dad has a mistress, he felt enraged and mad because his Mom got miserably hurt. He then, swear that he's gonna search and find the bitch who obviously seduced his Dad for money. Kahit mapagod siya kaha...