"Thank you for answering our questions, Leren" ngumiti ako kay Dean, isa siya sa member ng CIU press, siya ang assigned to interview the welcoming representatives. Dapat talaga kahapon kaso hindi ako nakaattend dahil may quiz kami kaya nakiusap nalang ako na ngayong araw nalang ako.
Dean is very kind and friendly too, he's gay kaya marami kaming napagkakasunduan and marami rin kaming similar interests kaya nag-enjoy talaga ako sa interview
He also told me na nakakaintimidate raw yung iba nung kinausap niya kaya nakahinga siya ng maluwag sa akin. Medyo nanghinayang ako na hindi ako nakasama kahapon, na-excite pa naman sana ako kasi bago ko lang ulit makakasama yung iba kaso bad timing. I'm really hoping na maging friends kaming lahat kasi mukha naman silang cool.
Sana lang talaga we could bond.
Medyo nagulat pa ako nang malaman na the students are already calling as 'The Eleven' like it's our title na. Bakit hindi ko narinig yun kahit kay Alessa?
Talagang nabusy ba ako sa acads these past few days? Di bale, babawi ako sa social life ko. Pati na rin sa landi life.
Bukas na ang welcoming event kaya sobrang busy na ng mga tao sa CIU, nagsimula na rin kasi ang recruitment ng mga clubs and organizations sa mga freshmen. Naisipan ko tuloy pumunta ng lounge namin para tumambay dun, tutal ay wala naman na kaming klase dahil dun.
"Uy hello!" bati ko kay Seven nang maabutan ko siyang nandoon na at nakaupo sa....racing simulator?
"Kailan pa nagkaganyan dito?" tanong ko sa kanya at agad lumapit para iinspect yun.
Hindi ako maalam sa mga ganito pero halatang highclass dahil tatlo ang screen.
"Three days ago? Markus wanted one kaya nagpalagay siya rito" tumango ako sa sinabi niya at pumunta nalang sa counter bar para magtimpla ng coffee
"Ngayon nalang ulit ako nakapunta rito pero parang ang daming nadagdag" sabi ko habang nililibot ang paningin, may mga libro kasi na bago dahil may nadagdag na bookshelf. Meron na ring malaking tv at drawing table sa gilid pati na piano. Napapaisip tuloy ako kung permanenteng tambayan na ba namin 'to.
"The President officially gave us this space so the others requested things to be put here.Ikaw wala ka bang nirequest?" busy siya sa paglalaro pero nakikipag-usap pa rin sa akin. So far siya palang talaga ang nakakausap ko ng matagal sa kanilang sampu. Mukha rin siyang intimidating pero magaan naman kausap, baka ganoon din yun iba.
"I didn't even have any idea that this place is now ours. Can I still make a request tho?" I ask hopefully. May naisip kasi akong ilagay rito na baka makatulong para makapag bond kaming eleven
"Yeah, just write it and then put it on the corkboard near the shelf" nakita ko naman agad ang ibig niyang sabihin. Hindi ko na siya inistorbo pagkatapos nun at nilibang nalang ang sarili ko kakatingin ng mga bagong gamit.
It was like all of us were motivated to really do good and maybe the CIU's generosity helped with that because when the day of the welcoming event came, everything was really smooth and though it was a little formal, we really had fun
"I would like to thank and congratulate you all. The partners were really happy and impressed, especially with the eleven of you" The President complimented us happily because of that. Medyo hapon na kami natapos kaya halata na rin sa iba ang pagod dahil maaga nagsimula ang event pero we all stayed even after the partners left because the President wanted to talk to us.
Sinabi niyang baka raw may ibang activities and events pa ang CIU and aasahan niya raw ulit ang cooperation namin. Parang bigla tuloy kaming naging official ambassadors ng CIU.
BINABASA MO ANG
Closing the Books
RomanceAspiration Series #1 Chasing those who's not interested in her and ignoring those who liked her is one of Leren's past time. As an aspiring CPA, achieving her goal is her number one priority, but this does not stop her from having fun by chasing th...